^

Pang Movies

Martin ‘di mabisita ang mga anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin �di mabisita ang mga anak
Martin

Noong Saturday night na nakatutok ako sa live online show ni Martin Nievera sa kanyang official Facebook page, nabanggit ng twin-sister niyang si Vicki Nievera na nanonood ako.

Nagtanong si Martin kung nakabalik na ba ako ng Philippines, kaya nag-message ako na nasa Los Angeles, California pa rin ako dahil cancelled na naman ang flight ko pabalik sa atin.

Nabanggit ni Martin na bisitahin ko raw ang anak niyang si Robin Nievera na nasa L.A. rin at panay raw ang cooking.

Nasambit din ni Martin na gusto rin niyang pumunta sana ng US para bisitahin ang kanyang mga anak (bukod sa panganay na si Robin, based naman sa Las Vegas, Nevada ang bunso niyang si Santino).

Nahihirapan lang makahanap ng flight si Martin dahil kadalasan nga ay naka-cancel ang flights.

Actually, noong hindi pa based sa L.A. si Robin at si Santino pa lang ang nasa Las Vegas, madalas na nagsu-show sa US si Martin para madalaw nga ang kanyang bunso.

Kung hindi nga nagka-COVID-19 pandemic, dapat ay umalis na noong May 4 si Martin pa-Florida para sa isang show doon at dederetso siya kay Santino after at pupunta sila sa L.A. to meet Robin para makapag-Disneyland sila.

Sa isang taon ay ilang beses mag-Disneyland si Martin dahil ‘yon ang favorite and happiest place para sa kanyang bunsong anak. Hindi nga ba pati si Pops ay nakipag-bonding na rin sa kanila ni Santino sa Disneyland kasama pa sina Robin at Ram?

Ay, naku, Ateng Salve, ang hirap lang talagang bumiyahe ngayon dahil madalas na cancelled ang flights.

Naloka nga ako nang sabihin sa akin na baka July 2 pa raw ang flight na available para makabalik ako sa Philippines.

‘Kaloka!

Kris sunud-sunod ang pamimigay ng ayuda

Naku, Ateng Salve, bigla akong minessage ni Alvin Gagui, isa sa mga assistant ni Kris Aquino at sinabi ngang nag-decide ang aktres na mag-live na rin noong Saturday sa Facebook page  nito.

Gusto raw kasing makatulong ni Kris, kaya deadma na muna siya sa rashes sa kanyang balat.

Gusto kasi niyang mamigay ng sampung tig-P2,500 gabi-gabi simula noong Saturday hanggang bukas (Tuesday).

O, ‘di ba, biglang naging apat na sunud-sunod na gabi pa ang FB live ni Kris, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with