^

Pang Movies

Actress lantad na ang pakikipag-live in sa foreigner

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Live in na ang magandang aktres at ang boyfriend niyang foreigner at kundi pa nalagay sa enhanced community quarantine ang bansa, hindi pa malalaman. Sabagay, mukha namang hindi itinatago ng aktres na hindi na sa family house nila siya nakatira at hindi na ang pamilya ang kanyang kasama  kundi ang boyfriend.

Sa mga unang araw pa lang ng ECQ na kung saan, bawal ang paglabas ng bahay, nag-post ng video ang BF ng aktres kung saan, kasama niya sa kanyang pad ang aktres. Mag-iisip ka na kung bakit wala sa bahay nila ang aktres at nasa ibang bahay.

Sa video namang pinost ng aktres, magkatabi sila ng boyfriend na nanonood ng TV and again, mag-iisip ka kung bakit kasama niya ang boyfriend gayung nasa ECQ pa rin ang bansa.

Sa mga sumunod na post ng aktres, nababanggit ng magkasama sila sa bahay at nag-post pa nga ng photos niya na unmade up at kagigising lang at kasama ang boyfriend.

Sabagay, nasa tamang edad na ang aktres at makakapag-decide na kung ano ang gustong gawin sa buhay at kasama rito ang pakikipag-live in. Wish lang ng kanyang supporters, ang current BF na ang maging forever ng aktres. Mabait ito at parang wife material and she has so much love to give, may past relationships siyang hindi naging happy ang ending. Sana this time, nakita na nito si Mr. Right.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with