^

Pang Movies

Angel ipapa-NBI ang follower na nagbanta!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel ipapa-NBI ang follower na nagbanta!

Ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ambo sa Samar ang pinagkakaabalahan ng ilan nating artista gaya nina Angel Locsin at Alden Richards.

Nanawagan si Alden sa kanyang Twitter na tulungan ang mga biktima ng bagyo sa Eastern Samar. Hiling niya, ipadala via GMA Kapuso Foundation ang donasyon.

Sa Twitter din, ipinapadaan ang personal niyang tulong via direct message matapos malaman kung saan-saan ang lugar na apektado.

Isa naman sa nasalanta ng bagyong Ambo ay ang viral sensation na si Ms. Everything. Taga-Calbayog, Samar siya at ipinakita ang pictures ng nasalantang bahay.

In all fairness, bumuhos naman ang donasyon kay Ms. Everything kahit sa social media siya sumikat at na-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, isang netizen na tila may panakot kay Gel na isa-shutdown daw ang kanyang socmed account.

Buwelta ni Angel, “Is this a threat?  Kasi lagot ka pag pinakita ko ang account mo sa NBI. Naka-gather na ako ng evidence na ikaw ang main suspect pag may nangyari sa account ko.”

Naku, si Angel pa ba ang tatakutin ninyo?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with