^

Pang Movies

Max handa na sa homebirth!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Max handa na sa homebirth!

Sa July pa manganganak si Max Collins sa first baby nila ni Pancho Magno pero handang-handa na sila sa homebirth delivery. Ayon sa mag-asawa, at this time of COVID-19 pandemic ay mas mabuti na sa bahay na lang manganak kaysa sa hospital.

“Ready kami and we are excited about the homebirth,” sabi ni Max nang mainterbyu namin silang mag-asawa online with some members of the press via Zoom.

In preparation for the homebirth ay nag-online class pa si Max for one month.

“Nag-online class po ako for one month, on gentle birthing and home water birth. So, since we kind of know how to go about it, what we need is a pool at home.

“And then, siyempre may iba pang kailangan, but other than that, we found a doula and a midwife na magpa-facilitate.” sabi ni Max.

Ano ang participation ni Pancho?

“Runner,” natatawa niyang sabi.

“Support system,” natatawa ring sambit ni Max.

Pero dati naman daw nurse si Pancho bago pa man siya mag-artista kaya may karanasan na siya sa pagpapaanak din.

“Na-experience ko magpaanak, eh ilang beses na, nakita ko first hand ‘yung mga… kung paano lumabas ang baby which is sobrang nakaka-proud, sa lahat ng moms sa inyo diyan, I mean, I’m super-proud kung paano n’yo ginagawa ‘yun,” ani Pancho.

Though aniya, at first ay parang natakot din sila.

 “So, pag-pray na lang natin ‘yun but kung gagawin sa house, malaking tulong talaga,” sabi ni Pancho.

Kahit pa nasa gitna ng health crisis ang buong bansa ngayon, naniniwala si Pancho na perfect time pa rin ito to have a baby.

“Mahirap sabihin, pero it’s a perfect time to have a baby, eh. Kasi mayroon kang quality time. Like kasama mo siya (Max) the whole time. Kasi, kapag may work ako, wala ako sa bahay, siya lang mag-isa, wala siyang kasama.”

Boy ang ipinagbubuntis ni Max at may napili na nga raw silang name pero ayaw muna nilang sabihin sa ngayon.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with