^

Pang Movies

Sistema ng new normal sa showbiz, dagdag gastos sa production!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sistema ng new normal sa showbiz, dagdag gastos sa production!

Tulad sa inaasahan, bawal na ang maraming tao sa mga taping o shooting at mga eksenang kailangang crowded tulad ng eksena sa bar.

Ito ang magiging bahagi ng new normal ng showbiz dahil sa krisis ng coronavirus.

Yes, in a nutshell, ganito na ang magiging set up ayon kay FDCP Chair Liza Diño nang maging guest siya sa Laging Handa Briefing ni Sec. Martin Andanar kahapon.

Mahigpit na ipatutupad ang social distancing para makaiwas sa pagdami ng virus bukod pa diumano sa kailangang i-disinfect ang shooting / taping locations at mga wardrobe ganundin lahat ng bagay sa shooting na maaring dapuan ng virus ay kailangang laging linisan.

Dapat din daw may hand washing area at lahat ng health precautionary measures ay kailangang ipatupad.

Pati raw sa pagkain, sisigurihin ang kalinisan at kaligtasan nito.

Ibig sabihin nito, dagdag gastos ito sa mga production na tiyak na iindahin nila dahil ilang buwan na rin silang natengga  sa ECQ.

Dahil dito, makabalik kaya sa dating saya ang showbiz?

Abangan ang susunod na kabanata.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with