Ruffa pinalalakas ang loob ni Kim
Basag na basag ngayon si Kim Chiu sa mga basher na hindi pa rin maka-get over sa classroom video niya bilang depensa sa pagpapasara ng kanyang network. Nag-rescue na ang boyfie niyang si Xian Lim.
Sumuporta rin si Ruffa Gutierrez kay Kim. Tweet ni Ruffa matapos ma-interview ang Chinita Princess sa kanyang bagong digital talk show, “Sending hugs to @princesschinita who’s professional, humble, magalang & generous. 1 mistake doesn’t define who u are. Keep you chin up. I’m here for you.This too shall pass.”
Ang latest na banat ngayon kay Kim ay ang isang video na kumakanta siya. Pero sa halip na lyrics ng bagong kanta ang gamitin, ‘yung classroom shout out niya ang pinaglaruan, huh!
Nag-apologize na si Kim kaya tantanan na ninyo siya.
- Latest