^

Pang Movies

Aktres na ‘di magaling sa Ingles, natakot magkalat sa online chikahan!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bibilib ka sa ugali ng aktres na ito. Aminado kasi siya na hindi siya ganoon kagaling pagdating sa malalim na tsikahan.

Actually, kahit sa Inglisan, takot” din siya dahil hindi raw siya magaling.

Isinasali dapat si aktres sa isang online chat kung saan ay pag-uusapan nila ng mga kapwa niya artista ang isang sensitive issue, pero tumanggi siya.

Ayaw niya dahil baka magkalat” lang daw siya. Baka ma-tense siya at kung ano lang daw ang masabi niya at ma-bash pa siya katulad ng isang aktres na close sa kanya.

Hindi duwag si aktres na makipaglaban, pero hindi lang siya confident, kaya umiiwas siya sa mga ganoong online tsikahan.

Well, tama rin naman siya, mahirap nga naman na kung ano-ano ang masabi niya at ma-bash siya at ang ending niya ay mag-iiiyak siya, huh!

Nora hindi sumuway sa lockdown

Kahapon ay nag-forward si Nora Aunor sa pamamagitan ng Facebook Messenger ng isang news item tungkol sa pagsabak niya sa monovlog” ng Tanghalang Pilipino.

Tinanong ko ang isa sa mga malalapit sa kanya, ang movie columnist na si Rodel Fernando, kung account ba talaga ng Superstar ‘yon?

Oo, siya talaga ‘yon,” sey ni Rodel. So, tsinika” ko na si Mama Guy. Kumusta na siya?

Ok naman ako, Jun. Ingat lagi. Stay safe. Stay healthy always,” sabi ng Superstar.

Tinanong ko rin si Mama Guy kung saan siya naka-lockdown at doon daw siya sa condominium niya sa Eastwood. Nakakainip na nga. Hindi nakakapag-taping ng Bilangin (ang Bituin ang mga Bituin sa Langit, ang afternoon series ng GMA 7 kung saan isa siya sa mga bida),” sabi niya.

So, hindi talaga siya lumalabas ng condominium simula noong mag-lockdown?

Hindi na talaga, pero ok lang ‘yon kaysa mahawa naman sa nakamamatay na COVID (19),” chat pa ng Superstar.

Alam mo, Ateng Salve, iba rin si Mama Guy, kahit masasabing isa siya sa greatest actresses natin sa local movie industry ay ang galing niyang makisama sa entertainment press.

Sa totoo lang! ‘Yun na!

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with