^

Pang Movies

Bashers tuloy ang pagkapit sa pagkabulol ni Coco

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bashers tuloy ang pagkapit sa pagkabulol ni Coco

Aaminin namin ngayon Ate Salve, hindi namin talaga nahalata kahit na noon na medyo bulol si Coco Martin. Napapanood naman namin ang Probinsyano pero paminsan-minsan lang.

Hindi naman kasi kami mahilig talaga sa teleserye. Iyon namang mga pelikula niya, ilan lamang ang aming napanood, dahil noong araw naman ang ginagawa niya halos lahat ay mga gay indie film.

At ang mga ginawa naman niya nitong huli na, aba matitinik ang mga dubbing supervisors niyan. Lalo na kung ang matitiyempuhan mong dubbing supervisor ay kagaya nina Lucy Quinto, aba hindi lulusot iyan kung may mariring silang depekto. Kaya kahit na sabihin mong bulol ang isang artista, aba eh hindi mo mahahalata kung panonoorin mo na ang pelikula nila.

Natatandaan nga namin noong araw, may isang napakagandang babae, pero napakapangit ng speaking voice. Alam ba ninyo kung ano ang ginawa, ipina-dub sa isang beteranong newscaster ang buong parte niya sa pelikula kaya lumabas na napakaganda pa ng kanyang boses.

Itong memes kay Coco, lumutang lang iyan matapos na ilabas din niya ang galit na galit niyang video dahil sa pagkakasara ng ABS-CBN. Nakita rin namin ang nasabing video, pero hindi naman kasi namin pinakinggan ang pagsasalita niya kundi kung ano lamang ang kanyang sinasabi. Kaya hindi rin namin napuna na sabit pala ang dila niya sa letrang s”. Hanggang sa naglabatan na nga ang mga twit. Kung iitipin mo mapupuna pa ba iyon”?

Aminado naman si Coco na may pagka-bulol siya. Kaya nga mas matindi ang utang na loob niya sa kanyang network dahil pinagtiwalaan siya sa kabila ng kanyang speech defect. Pero bakit nga ba pati ang speech defect ay napuna pa, at iyon ang kumakalat ngayon sa social media.

Palagay namin, epekto na iyan ng katotohanang walang magawa ang mga tao dahil sa lockdown.

Mga artista napapahamak sa social media

Natawa rin naman kami doon sa isang video blog ng isang kakilala naming food chain manager. Ang dini-discuss naman niya sa blog niya ay tungkol sa rules sa classroom na bawal lumabas”. Iyon naman ay dahil sa sinabi ni Kim Chiu sa isang video blog na wala talagang kawawaan, at inamin naman niya iyon pagkatapos na ‘di rin niya naintindihan. Nag-apologize pa nga siya.

Pero ang mga ganyang pagkakamali, hindi nakakalusot ngayon sa mga netizens na wala kasing ginagawa kundi maghanap ng mali, at saan ba nila mahahanap ang mga mapagtatawanan nila kundi sa social media rin. Iyan ang sinasabi namin eh, nasisira ang mga artista kung sabak sila nang sabak sa social media. Kasi nakikita lahat ng mali nila.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with