^

Pang Movies

Bianca tsinismis ang pangakong salary ng ABS

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Deleted na nga ang tweet ni Bianca Gonzalez na pinangakuan sila ng management ng ABS-CBN na tatanggap pa rin sila ng salary for three months kahit off the air ang ABS-CBN. Nang i-tweet ni Bianca ang tungkol doon, may ABS-CBN employee na kinol ang attention niya at ang sabi, hindi pang public announcement ang tungkol doon. Sinabi lang daw ‘yun ng management sa empleyado ng network pero hindi dapat tinu-tweet o pino-post.

In fairness kay Bianca, binura nito ang nasabing tweet. Pero dahil doon, na-bash si Bianca na mabuti at hindi na sumasagot.

Nabasa namin ang isa sa latest tweet nitong Mahirap pero sinusubukan ko ding gawin: ‘do not  engage” na ang ibig sabihin, pinipigilan niya ang sariling hindi na patulan ang bashers at trolls.

Paolo at LJ hindi pinatulan ang namintas sa pangong ilong ng anak

Hindi pinalampas nina Paolo Contis at LJ Reyes ang basher ng baby girl nilang si Summer sa comment nitong, bakit sobrang pango ang ilong ng baby mo, hindi nagmana sa guapong daddy.” Agad sumagot si Paolo ng Hiyang hiya naman ako sa pagka perfect mo! @longliveels” at sinundan ni LJ ng importante po ba yung tangos ng ilong o yung ganda ng ugali? God bless you po.”

Ayun, napahiya si basher. One year old pa lang ang bata, humuhugis at hindi pa humuhulma ang mukha nito at higit sa lahat, kailangan bang i-bash ang bata? Mabuti at mabait pa ang sagot ni Paolo na kung pinatulan ang basher, makakatikim ito ng mga salita ng aktor.

Speaking of LJ, busy ito sa Project: Alalay Kay Nanay na isang donation drive para matulungan ang mommies sa basic needs ng kanilang mga babies gaya ng vitamins, food at hygiene. Kasama ni LJ rito sina Camille Prats, Chynna Ortaleza, Chariz Solomon, Pauleen Luna, Isabel Oli at Iya Villania. Naisip nila ang project na ito dahil sa mga ayudang ibinibigay ng gobyerno, kulang at minsan, wala para sa personal needs ng mommies at babies.

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with