^

Pang Movies

Job description na raw niya for 25-years Korina nag-trending sa pag-resbak sa bruha!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Job description na raw niya for 25-years Korina nag-trending sa pag-resbak sa bruha!

Tuloy ang pagti-trending ni Korina Sanchez sa pagtawag ng bruha sa mga nang-iimbyerna sa kanyang mga post.

Pero pinaka-famous so far sa mga reply niya ang ‘please leave. Bruha ka’ nang mag-comment ang isang @romelaigne Anong abuso??? Wala na kayong franchise! That’s it !! Sus !!!”

Meron pa siyang sagot na “Oh Puhleeez itama mo muna ingles mo o kaya magtagalog ka nalang kaya?”

Meron din siyang tweet na “Ewan ko baket ‘di pa yang kinikidlat’ na ang nire-refer ay si Solicitor General Jose Calida.

May sinagot din siya ng ‘negatron.’

Kaya kahapon ay nag-guest na siya sa programa ni Ms. Pinky Webb sa CNN Philippines. Naging guest na rin siya ni Maria Ressa ng Rappler na dating boss ng News Department ng ABS-CBN.

Aminado naman si Ms. Koring sa interview ni Ms. Pinky na nag-mellow na siya ngayong nanay na siya nina Pepe and Pilar - ng asawa niyang si former senator Mar Roxas.

Pero hindi raw siya napipikon, kundi naaaliw lang ang Rated K host sa ginagawa niyang pag-buwelta sa harsh comments ng netizens sa pagsasara ng ABS-CBN base sa cease and desist order ng NTC.

Dahil nga sa mga sagot niyang ‘yun sinisimulan na raw siyang tawaging Daenerys, ang iconic queen ng Game of Thrones. “‘Yan talaga ang job description ko for 25 years – my mandate really was to slay.”

Marami ngang chika noon pa na masungit at terror si Ms. Koring.

Ngayon ay hinihintay siyang mag-guest sa GMA 7, kay Jessica Soho. 

Bago naganap ang closure order sa Channel 2, DZMM and MOR, naging abala si Ms. Koring sa pagpapapayat habang naka-enhanced community quarantine at pag-aalaga sa kambal nila ni Mar.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with