^

Pang Movies

Direk Peque,hindi namatay sa COVID

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Kaka-sad naman dahil kahapon ay yumao na ang premayadong direktor na si Peque Gallaga. Ka-chat ko ang co-director ni Direk Peque sa karamihan ng kanyang projects, si Direk Lore Reyes at nag-condolences ako sa kanya. Ang unang tanong ko kay Direk Lore ay, True ba, Direk?” Peque is gone, kapatid. Prayers,” sagot ni Direk Lore.

Tinanong ko kung anong oras pumanaw si Direk Peque. Around 11:30AM, a while ago,” sagot niya. Ano ang official na ikinamatay ni Direk Peque, may iba kasi na nag-aakalang nag-positive ang yumaong premyadong direktor sa COVID-19? Not COVID (19). He was sick long before the lockdown.  Cause of death is Complications from all the heart meds he’s been taking since 1984,” sabi pa ni Direk Lore.

Sa Bacolod ba? Saang hospital? Yes in Riverside something something, hospital in Bacolod,” pahayag pa ni Direk Lore.

Alam mo, Ateng Salve, naging malapit din ako kina Direk Peque at Direk Lore nang gawin nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Solenn Heussaff ang The Seduction movie ng Regal Entertainment, Inc. at sobrang bait talaga nila.

We will miss you, Direk Peque! Sa lahat ng naulila ni Direk Peque, our condolences po!

Sharon naaliw sa online show ni Pops

Alam mo, Ateng Salve, noong Wednesday night, isa ako sa apat na entertainment press na nag-guest sa YouTube channel show ng Concert Queen na si Pops Fernandez. Kasabay kong nag-online guest sina Dolly Anne Carvajal, Allan Diones at Anna Pingol.

Masaya ang tsikahan namin, kaya umabot kami ng more than 1 ½ hours, huh! Sobrang nakaka-happy rin na habang on-going ang online tsikahan na ‘yon, nagme-message ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Nanonood pala sa amin ang Megastar. Kulang na lang ay isali na rin siya sa online tsikahan kasi talagang panay ang comment ni Sharon sa mga sinasabi namin. Nabanggit tuloy ni Pops na sana ay magkasama sila sa isang concert, ‘yung back to back sila.

Naikuwento kasi ni Pops na noong araw ay nag-guest na si Sharon sa concert niya at nag-guest din siya sa concert ng Megastar. Pero never pa kasi ‘yung back to back kami,” sey ni Pops.

So, in the future nga, kapag natapos na ang COVID-19 pandemic na ito, excited si Pops na magkasama silang dalawa ni Sharon sa isang concert, ‘yung back to back talaga sila. Nabanggit din ni Pops na gusto niyang i-guest si Sharon sa kanyang online show at nag-yes naman ang Megastar sa pamamagitan ng pagme-message. Kahapon nga sa chat namin ni Pops ay nabanggit niyang, I’m excited!”

Bongga!

vuukle comment

PEQUE GALLAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with