^

Pang Movies

Vicky at Bernadette puwedeng pang-beauty contest

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vicky at Bernadette puwedeng pang-beauty contest

Alam mo ba Salve na kapag nanomnod ako ng news, sanay ako na tingnan muna ang headline ng TV Patrol, tapos lilipat na ako sa 24 Oras. At dahil mas mahaba ang 24 Oras, lipat-lipat din ako pag showbiz news na.

Pero basically nasa 24 Oras ako. Napansin ko nga na puwedeng pang beauty contest ang ganda nina Vicky Morales at Bernadette Sembrano.

Ang ganda-ganda ng mga mukha nila kaya ang sarap manood pag sila ang nagbabalita.

At dahil nasanay ako, nalimutan ko na naka-shutdown na pala ang Channel 2 at ginawa ko pa ang paglilipat ng channel.

Nakakalungkot talaga lalo nga at nakasanayan mo na ang manood sa ABS-CBN. At sa maniwala kayo at hindi, iyon mga taga-GMA 7 ay sad din sa nangyari sa kanilang mga friend sa kabilang istasyon. So sad talaga.

WFH may distractions

May nabasa ako na siguro raw, hindi magiging pang matagalan ang work from home. Kasi nga raw dito sa atin, maraming distraction.

Saka usually sa isang bahay marami ang nakatira kaya magiging abala iyon sa isang nagwo-work from home. Tapos iyong comfort ng opisina na meron aircon, maayos ang office, at iyon feeling na nasa opisina ka kaya dapat magtrabaho ka.

Siyempre kung ordinary employee ka lang, hindi naman all day ang aircon sa bahay mo, o baka wala pa ngang aircon ang iba, so uncomfortable ka.

Saka paano iyong people-base business na dapat kausapin mo ang mga ka-deal mo, alangan naman sa bahay mo papuntahin iyon?

Pero tingnan natin, baka naman puwedeng halfway mag-meet iyong idea kung puwede.

Enjoy pa naman si Salve sa work from home, pero malay natin, baka nga mas gusto ni Papa Miguel Belmonte na sa bahay na lang work ang mga writer/editor, para hindi na sila bibiyahe sa Port Area.

vuukle comment

VICKY MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with