^

Pang Movies

‘Wala kayong mga konsensiya’ Coco sobra ang galit sa NTC at kay Calida!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tuluyan na ngang tumigil na sa pagsasahimpawid ang ABS-CBN noong Martes ng gabi. Pagkatapos ng TV Patrol ay inere na nila ang Lupang Hinirang na hudyat ng pagsa-sign-off at pagkatapos nito ay black screen ang sumunod na nakita na talaga namang nakakalungkot at nakakadurog ng puso.

Ilang sandali pa ay nagbuhos na ng kani-kanilang nararamdaman ang buong Pilipinas gamit ang kani-kanilang social media account hinggil sa pagtigil sa ere ng network kabilang na ang Kapa­milya stars.

Isa si Coco Martin sa naglabas ng kanyang galit sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Dalawang magkasunod na posts ang pinakawalan niya at ramdam na ramdam mo ang galit at ngitngit sa kanyang dibdib.

“Pasensya na po dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko. Nakakapagod nang manahimik at magpigil kung ang mga nasa paligid mo naman ay mga walang-pusong tao.

“Anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong pamilya ang magugutom sa kabila nang lahat ng nangyayari sa mundo ngayon,” ang simula ni Coco.

“Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino? Ang lahat ng mga tao ngayon ay pagtulong at pag-agapay sa kapwa ang hangarin, lalo na ang ABS-CBN.

“Napakalaki ng iniambag at patuloy na nagaambag upang umabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang kanilang saloobin at pinagdadaanan sa krisis na ito.

“Sa gitna ng laban natin sa COVID 19, hindi tumitigil ang ABS-CBN para magbigay ng aliw, ligaya at pag-asa sa mga tahanan ng sambayanang Pilipino.

“At sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat empleyado upang makaraos.

“Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!” patuloy ng aktor na halatang galit na galit.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Coco sa mga taong nagpasara ng network.

“Wala man akong gaanong kaalaman sa batas at maaring mas marunong kayo sa akin, pero sana naisip niyo man lang ang sitwasyon ng ating bansa!

“Sana sa wakas ay makatulog kayo ng mahim­bing at maipagmalaki niyo ang naggawa ninyo! Sana ipagkapuri kayo ng pamilya ninyo sa tagumpay ninyong gutumin at yurakan ang mga buhay ng ilang libong pamilya!

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. NTC sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan!!!” ang pahayag pa ni Coco na ramdam na ramdam mo talaga ang galit.

Hindi pa rito natapos at nag-post siyang muli.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko.

“Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan!

“Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARU­NGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada!

“Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

“TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” litanya ng aktor.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with