^

Pang Movies

Anne 2 months nang ini-enjoy ang anak

Salve V. Asis - Pang-masa
Anne 2 months nang ini-enjoy ang anak

MANILA, Philippines — Two months na pala agad ang baby nina Anne Curtis and Erwan Heussaff.

Parang kailan lang nang mabuntis si Anne na hindi niya agad inamin.

Sa Australia nanganak si Anne kaya wala siyang naging problema.

Eh kung andito siya,‘di sana na-stress din siya dahil nga punuan ang mga hospital sa kasalukuyan dahil sa pagrami pa rin ang may covid sa bansa.

“My Little Autumn Baby

“Yesterday, was 2 months of getting to cuddle and kiss this sweet, sweet little girl.

“It’s insane how she’s growing so fast. Cherishing her days of being this tiny

“Love you so much our cheeky little possum, Dahlia Amélie.”

Wala pang advice kung kailan mare-resume ang mga show ng ABS-CBN kung saan siya regular sa It’s Showtime na ngayong araw ang last day ng franchise though sinabi ng Rep. Allan Peter Cayetano na hindi ito ila-lockdown

Dudera ng emotikons, nanguna sa Pinoy Reggae playlist

Pasok sa Pinoy Reggae playlist ang nakakaaliw na tunog na hatid ng reggae band na Emotikons sa bago nilang kanta na Dudera, tungkol sa mga pagdududa sa isang relasyon.

“Nagbase lang kami sa kung ano yung common na nakikita namin sa realidad. Nakita namin na usually pinag-aawayan ng mga magpartner ang pagdududa, lalung-lalo na sa aming mga banda,” kwento ni Marco Nardo, lead vocalist ng Emotikons.

Bida sa pinakabagong single mula sa DNA Music ang kakaibang ritmo at mabagal na tempo na naghahatid ng magaang pakiramdam sa mga tagapakinig.

Isinulat ng mga myembro ng banda ang Dudera at iprinodyus naman ito ng Pinoy Klasik Entertainment (PKE). Follow-up ito sa debut song ng grupo na  P.H.T. (Pinagtagpong Hindi Tinadhana), na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 200,000 streams sa Spotify.

Nagmula sa Sablayan, Occidental Mindoro ang Emotikons at kinabibilangan din nina Ronnel Alegre bilang rhythm guitarist at second vocals, Darwin James Mabolo bilang drummer, second voice at beatbox, Melvin Mendoza bilang lead guitarist, Lourence Fernandez bilang bassist, at Elmar Abalos bilang percussionist.

Nabuo noong 2014 ang grupo na hangarin lang noong una na sumali sa mga band contest, pero kinalaunan, nagsikap na rin sila para mas makilala sa industriya at makapagbigay ng karangalan sa mga kapwa nila Mindorenian.

Sa ngayon, bahagi na ang Emotikons ng DNA Music, isang record label sa ilalim ng ABS-CBN Music na layuning paangatin ang industriya ng pagbabanda at linangin ang talento ng magaga­ling na rock, alternative, at reggae artists.

Yasmien may palibreng on-line classes

Papayagan nga kaya ni Kapuso star Yasmien Kurdi na pumasok sa showbiz ang anak nitong si Ayesha? Magmula nang sumali si Yasmien sa reality-based artista search ng Kapuso Network na StarStruck noong taong 2003, marami na itong napagdaanan at napatunayan sa larangan ng pag-arte.

Mula pagkadalaga nito hanggang magkaasawa’t maging ina, halos lumaki si Yasmien sa mata ng publiko. Hindi tuloy kataka-taka na nasanay na rin ang anak nitong si Ayesha na makita ang nanay sa telebisyon.

Nakahiligan na rin ng bata ang kumanta at umarte sa mga vlogs ng YouTube channel ni Yasmien. Dagdag pa ni Yasmien ay natural daw na bibo at madaldal si Ayesha na hindi kakikitaan ng hiya tuwing nasa harap ng camera. “Si Ayesha laging nagtatanong sa akin kung ano daw ang gusto ko para sa kanya. Pero siyempre ayaw ko naman i-impose at ayaw kong ma-acquire niya ‘yung maging artista dahil artista ako,” saad ni Yasmien. Suportado rin daw ng Kapuso actress kung ano man ang interest ng kanyang anak at kung anong pangarap nito sa hinaharap.

Samantala, dahil extended ang enhanced community quarantine ay binigyan ni Yasmien ng tips ang parents para maging productive ang araw nila at ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng free online classes.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with