^

Pang Movies

Mark nag-trending sa pagti-TikTok

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark nag-trending sa pagti-TikTok

Ang saya ng GMA Artists Center dahil trending daw ang dance number ni Mark Herras sa kanyang TikTok account.

Talaga naman na pagdating sa sayawan, number one talent iyon ni Mark, kaya naman nagtataka ako kung bakit wala siya sa mga live show ng GMA 7, lalo na sa mga musical show.

Hindi nga ba iyan ang tawag sa kanya ‘Bad Boy of the Dancefloor.’

Kung si Mark sana ay may focus sa kanyang career at hindi iyon basta lang kung ano ang nandiyan ay ok na, baka mas malayo ang naabot ng career niya.

At sana rin maging aral sa kanya na hindi lahat ng problema sa paligid niya ay dapat siya ang gumawa ng solusyon, iyon tipong kaya mong ibigay pero pag wala na at hindi mo kaya huwag dinadala.

Dapat sa artista may ambisyon, may focus at determination, dahil pag tumagilid ang career mo mahirap na uli itong ibangon dahil matindi ang competition sa paligid. Sana ilagay iyan ni Mark sa utak niya, kung puwede. Nakakahinayang ang talent niya.

‘Huwag masyadong reklamador’

Sa tuwing manonood ako sa TV at nakikita ko iyong hirap ng mga tao, talagang ganoon na lang ang gratitude ko kay God sa magandang buhay na ipinatikim niya sa akin.

Relate ako sa mga tao na nagsasabing hirap sila sa buhay at kailangan ang tulong. Nadaanan ko iyon nung mga bata pa kami dahil driver ang tatay ko at plain housewife ang nanay ko. Hinihintay namin ang tatay kong kumita sa paghahatid ng mga sakay niya galing sa probinsiya sa Pantranco para makabili kami ng kakainin sa tanghalian.

It was hard, pero isa ang nakita ko sa nanay ko, never ko siya narinig na nag-complain kaya akala ko ordinaryo lang iyong kahirapan namin. Sa young mind ko akala ko lahat nang nakatira sa lugar namin ganoon din ang problema, kaya ok lang.

Kaya siguro I never feel deprived or inferior, kasi hindi ako nakarinig ng complains. Now looking back, at sa nakita ko sa mga tao, ngayon lang pumasok sa isip ko kung gaano kahirap iyon dinanas naming buhay.

Kaya nga nakakagalit pag may naririnig kang panay ang reklamo, kasi lalo mo pang  dini-degrade ang sarili mo pag ganun. Take your pains with dignity, kahit mahirap ka, hindi ka pulubi. Kasi pag narinig ng anak mo ang mga hinaing mo papasukan na ng inferiority complex ang mga utak nila, maiisip na nila kung gaano sila kahirap. Kaya siguro lumaki akong confident at walang inferio­rity complex kasi hindi ko narinig na nag-complain kahit minsan ang nanay ko sa kahirapan namin.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with