^

Pang Movies

Dahil sa lockdown, Rachelle mas nakilala ang asawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dahil sa lockdown, Rachelle mas nakilala ang asawa

Thankful si Rachelle Ann Go sa nangyaring lockdown sa London dahil naging daan ito para mas magkaroon siya ng mahabang panahon kasama ang kanyang mister na si Martin Spies.   

Sa kanilang bahay sa London nag-quarantine ang mag-asawa.

Dapat ay magsisimula na si Rachelle ng kanyang pagganap bilang Fantine sa Les Miserables sa West End. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, tigil ang lahat ng theater performances.   

Mabuti na lang daw ay nasa London na rin that time ang mister ni Rachelle kaya nag-celebrate sila ng kanilang 3rd wedding anniversary last April 18 na magkasama.   

Nag-throwback pa si Rachelle sa kanyang Instagram noong mag-celebrate sila ni Martin ng kanilang 2nd anniversary last year sa Palawan. “APRIL: This month we celebrated 2 years of marriage and 3 years together!!! This week is our 7th week of lockdown! It is the longest time we’ve been together 24/7 and it has been a great opportunity for us to grow as husband and wife. Marriage gets better and better and better with you.”   

Mas na-perfect na raw ni Rachelle ang kanyang role bilang wife kay Martin. Mas marami na raw siyang nalaman tungkol dito unlike noon na sa sobrang busy nila ay bihira silang magkuwentuhan. Mas stronger na nga raw ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

vuukle comment

RACHELLE ANN GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with