^

Pang Movies

Boyet sa Diyos humugot ng lakas nang magka-covid!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Boyet sa Diyos humugot ng lakas nang magka-covid!

Ibinahagi ni Christopher de Leon kina Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB program nila kahapon ang karanasan niya nang madale ng COVID-19  pero kalaunan ay  gumaling. Ang nangyari sa akin, a couple of days lang ako sa ospital. Siguro 7 days lang? Pinauwi na nila ako.

O, ‘You stay in the house.’ Sa bahay na lang. ‘You’re safer in the house’,” bahagi ng pahayag ni Boyet.

Ayon pa kay Yetbo, nakadalawang negative tests na siya.Ang mahirap sa case ko, nakahiga ka lang. Pinakikiramdaman mo ang sarili mo. Doon ka nagkakaroon ng anxiety, stress and all that. Nagkakaroon ka ng nerbyos kaya lalong lumalala ang sakit mo. So I had to walk around, stretch, breathing exercise inside the small room,” kuwento pa ng award-winning actor.

Pinanghawakan niya ang faith niya sa Diyos nu’ng mga oras na ‘yon. Wala nang iba kasi wala ka nang ibang matatakbuhan. Wala kasing gamot pa.

So I had to tell myself, I cannot be afraid if this,” rason niya.

Ikinatuwa ni Boyet ang pag-aalaga nina Sandy at pamilya niya na walang takot sa sitwasyon niya.

Hindi ako malakas! Mahina ako eh. Nanghina. Ang lakas ko nanggaling sa Diyos. So ‘yun ang pinanghawakan ko!” deklara ni Boyet.    

Sa paggaling sa virus, nag-donate na siya ng kanyang plasma. Ang dami talagang mababait sa ospital. Thanks to those who helped me. Lalo sa bahay na walang takot lahat!” deklara niya.

Definitely this too shall pass. God is at the helm. And God is in control!” bahagi pa ng sabi ni Christopher.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with