Sen. Kiko pang K-drama ang regalo kay Sharon
Magkasunod ang wedding anniversary nina Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan, at Ormoc City Mayor Richard Gomez at Ormoc Congresswoman Lucy Torres-Gomez.
Sa social media post ni Shawie, sa halip na bouquet of flowers ang natanggap ni Shawie sa wedding anniversary, chicharon bulaklak ang regalo sa kanya ni Senator Kiko.
Bukod sa pagkain, nag-effort din ang senador na gayahin ang porma ng bida sa K-drama sa Crash Landing On You na si Hyu Bin na favorite ngayon ng megastar. Pinalitan ng pictures ng dalawang bida sa K-drama at inihalili ang pic nilang dalawa.
Mensahe ni Senator Kiko kay Shawie, “I made a promise to her that as long as she’s in my sight, I will protect her no matter what.” – Captain Ki.
Samantala. Nagtanim naman ng Dita tree sina Mayor Goma at Cong. Lucy sa 22nd anniversary nila.
Saad ni Mayor Goma sa caption ng litrato kasama ang anak na si Juliana, “It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez.
“Thank you for being my guiding light.”
Happy wedding anniversary sa two lovely couples!
- Latest