^

Pang Movies

Richard at Angel makikipag-chikahan bago mag-reunion!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Angel makikipag-chikahan bago mag-reunion!

Naku, Ateng Salve, dapat tumutok ka bukas sa official Facebook page ng Regal Entertainment, Inc.

You know why? Kasi inaayos na ni Roselle Monteverde ang reunion nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Hindi reunion movie, pero reunion chat with the fans kasi ipapalabas ang pelikula nilang I Will Always Love You na ang karamihan sa mga eksena ay kinunan noong 2005 sa San Francisco, California.

Tatlong blockbuster movies kasi ang ipapalabas bukas ng Regal sa kanilang official FB page at tutok na kayo ng 5:30PM dahil bago ipalabas ang I Will Always Love You ay makikipag-chat sa mga fan sina Richard at Angel.

Bukod sa I Will Always Love You ay ipapalabas din ang So Happy Together nina Kris Aquino at Eric Quizon ng 11:00AM (kasama naman ni Eric na makikipag-chat sa mga fan ang direktor nilang si Joel Lamangan) at ang You To Me nina Dingdong Dantes at Marian Rivera (hindi lang sure kung 3:00PM o 8:30PM dahil inaayos pa).

Bale may fundraising din ang pagpapalabas ng Regal ng tatlo nilang blockbuster movies at ayon kay Roselle ay mapupunta sa food relief program nila at ilang mga proyekto for the frontliners ng COVID-19 pandemic ang lahat ng malilikom na pera sa FB event nila.

Habang katsikahan ko si Roselle kahapon ay excited siya dahil ngayon lang uli mangyayari ito na makakasama (via online) ng mga fan ang ChardGel love team, huh!

Ang bongga!

Aktres na may anak na, maligaya ngayon ang buhay sa piling ng pastor!

After ng ilang failed relationship, finally, mukhang sinusuwerte na sa kanyang love life ang female star na ito na produkto ng reality-based talent search show ng isang TV network.

Matagal din kasing naging boyfriend ni aktres ang isang aktor na boyfriend ngayon ng isang beauty queen turned actress, pero nauwi sa wala ang kanilang relasyon.

Nakarelasyon din niya ang isang dating aktor na galing sa isang rich clan sa Cebu, pero failed din ang naging relasyon nila.

May isang non-showbiz guy rin na nakarelasyon si aktres at nagkaanak pa nga sila, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Pero ngayon, bongga raw ang lovelife ni aktres dahil pastor ang kanyang boyfriend.

Actually, si aktres daw, nasa farm ngayon ng pamilya ng boyfriend at alagang-alaga sila roon ng kanyang anak.

Mahal na mahal din daw ng lalaki ang anak ni aktres, kaya masaya raw si girl.

Nice! ‘Yun na!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with