^

Pang Movies

Marian at Zia nakikipagsabayan sa pagda-drums kay Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian at Zia nakikipagsabayan sa pagda-drums kay Dingdong

Naalala naming minsang binanggit ni Dingdong Dantes na tuturuan niyang tumugtog ng drums si Marian Rivera, pero mukhang hindi na kailangang turuan pa ni Dingdong mag-drums si Marian.

Sa pinost ni Dingdong sa kanyang IG Stories, makikitang nagda-drums si Marian mag-isa at engrossed sa pagpalo ng drums ang aktres. May caption na huli ka...marianrivera” ang IG Story niya.

Kaya lang, parang mas mahusay mag-drum si Zia kesa nanay niya at tinuruan din ni Dingdong ang anak. Ang ganda sigurong makita na pare-parehong nagda-drums sina Dingdong, Zia at Marian.

Speaking of Marian, kasali siya sa #FashionForOthers, a benefit sale na ang profits ay para sa Covid-19 aid at sa mapipiling beneficiary. Sabi ni Marian, I’m sharing some of my personally selected pieces to #FashionForOthers benefit sale.”

Ang beneficiary partners ay ang Moment Group’s Project Nourish to provide 1500+ packed meals a day to medical teams, construction workers in emergency quarantine facility construction sites, and quarantined patients.

Pinoy fans matagal nang hindi nanonood ng lokal teleserye?!

Pati si Aga Muhlach pinanood at kinilig sa Korean hit series na Crash Landing On You. Pinost nito sa kanyang Instagram (IG) account ang ilang eksena ng Korean series at may pa-caption siya.

May nagbiro namang hindi nila ma-imagine na ang isang Aga Muhlach ay kinikilig sa Korean drama at may nag-comment ng welcome to the club” at Aga joined the club. Hahaha!”

Tinukso rin siya ng mga kaibigang sina Gladys Reyes, Michael Flores, Jamie Rivera at Paolo Contis na gaya niya, na-hook din sa Korean series. Hindi kinontra ni Aga ang nag-comment na na-Cloy virus siya.

Nakakalungkot lang basahin ang comment ng netizen na kaya mas gusto nila ang Korean drama dahil matitino, maganda ang story at hindi tinitipid. Wala rin daw maga­ling na Pinoy scriptwriter at director at kung ano pang panlalait sa Filipino talents. Obvious na karamihan sa mga nag-comment, matagal nang hindi nanonood ng Pinoy teleserye dahil may magaganda namang handog ang ABS-CBN at GMA-7.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with