^

Pang Movies

MMFF kanselado?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matutuloy kaya ang Metro Manila Film Festival sa taong ito?

Iyan ang katanungan ng maraming mga tao sa industriya ng pelikula ngayon dahil sa sitwasyon sa ating bansa.

Maliwanag ang sinasabing hindi tayo makakabalik sa normal na buhay hanggang walang natutuklasang gamot laban sa Covid-19, at maging ang mga eksperto sa ibang bansa ay nagsasabing baka kung sakali, sa susunod na taon pa iyan mangyayari.

Dahil diyan, iniwasan pa rin ang siksikan.

Mananatiling sarado ang mga establishment na non-essential at kabilang diyan ang mga entertainment places kagaya ng mga sinehan.

Kung hindi pa rin mabubuksan ang mga sinehan, papaano ka nga bang magkakaroon ng festival?

Ang isa pang sinasabi nila ay mukhang gahol na nga sa panahon ang produksiyon ng mga pelikula.

Karaniwan, pagdating ng September, medyo ayos na ang mga pelikulang isasali sa festival, pero sa ngayon na umiiral pa ang lockdown, at hindi pa nga maliwanag kung kailan mawawala, wala ring makapagsisimulang gumawa kahit na ng initial production moves.

Ang isa pang sinasabi nilang factor, hindi maiiwasan na pagkatapos nitong lockdown ay magkakaroon ng kawalan ng trabaho. Medyo masama ang timpla ng ekonomiya, kaya magbukas man ang mga sinehan, hindi natin maaasahan ang mga pelikula na kumita nang ganoon kalaki.

Ano nga ba ang magagawa natin para maisalba ang MMFF?

May ilang observers na nagsasabing kagaya ng ibang festivals na kinansela na sa taong ito, lalo na nga iyong mga indie na hindi rin naman talaga kumikita, at nagsisilbing daan na lamang para makatikim naman sila ng playdate sa mga sinehan, maaaring kanselado na rin ang MMFF.

Relasyon nina Derek at Andrea apektado ng ECQ?!

Sinasabi ni Derek Ramsey na going strong sila ng kanyang girlfriend ngayon na si Andrea Torres.

Iyan ay isang kaso ng mabilis na ligawan. Nagkasama lamang sila sa isang serye sa telebisyon, at pagkatapos nga noon, naging magsyota na sila.

Ngayon sinasabi man ni Derek na sure na sila, wala pa ring gustong kumagat.

Marami na rin naman kasing naging girlfriend si Derek na akala nila noong una totohanan na nga, pero dumating din ang panahon na nag-split sila.

Pinakamatagal na relasyon niya, at nag-live in na sila ni Angelica Panga­niban, pero nauwi pa rin sa hiwalayan. Ano nga kaya ang kapalaran ni Andrea kay Derek?

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with