^

Pang Movies

AiAi sa Diyos na lang umaasa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Isang napakagandang example iyong ipinakita ni AiAi delas Alas. Hindi siya nagbigay ng anumang comments maliban sa sinasabi niyang ipinag­dadasal niya na malampasan ng bansa ang umiiral na pagsubok at ipinagdadasal din niya ang pangulo na sana ay makagawa ng tamang desisyon na makakabuti sa lahat.

Sa paniwala nga kasi ni AiAi, sa ganitong sitwasyon wala ka nang maaasahan talaga kundi ang Diyos. Ginawa na nga naman ang lahat ng makakayang gawin. Nagsikap namang mapigil ang sakit. Sinikap din namang pakiusapan ang mga tao na makipagtulungan para mapigil ang sakit, pero siyempre may ilang makukulit pa rin. Kaya nga sa ganyang sitwasyon, sino pa ba ang tatakbuhan mo kundi ang Diyos, at iyon nga ang ginawa ni AiAi.

Marami namang gumagawa rin nang ganyan. Sina Vic Sotto at ang asawang si Pauleen Luna ay nagsisimula na rin ng kanilang prayer time, at sinasabayan sila ng iba pang mga dabarkads nila sa kanilang show. Malaking bagay iyong sabay-sabay na pagdarasal.

Sa ngayon ba naman, may iba pa ba tayong magagawa?

Self appointed movie critics, kailangan ng quarantine

Bakit kung kailan pa may ECQ, walang naipapalabas na pelikula, tigil ang lahat ng trabaho sa pelikula at sa telebisyon, sarado ang lahat ng mga sinehan, at saka pa naglalabasan ang mga self appointed na kritiko” ng pelikulang Pilipino.

Minsan maiisip mo, ang lahat ay kumikilos para maiangat ang pelikulang Pilipino. Nagpipilit silang dalhin ang mga pelikula natin sa international competitions, baka sakaling mapansin na doon ang ating mga pelikula, at may kumuha para sa international distribution. Iyon lang kasi talaga ang pag-asa para mas mapalawak pa ang market ng ating pelikula.

Kung nagagawa nga ng Korea na ang kanilang mga pelikula ay maibenta for international distribution, hindi man sa mga sinehan ay sa mga cable channels, eh bakit hindi rin natin magawa?

Pero sa totoo lang nakakainis iyong dito pa sa atin nanggagaling iyong mga nagsasabing walang kuwenta ang ating mga pelikula. Mas lalong nakakainis na ang nagsasabi nang ganyan ay mga taong hindi man tuwiran, may mga kaanak na nagtatrabaho sa industriya at walang dudang yumaman dahil sa pelikula. At iyong nagsasalita walang karanasan sa pelikula.

Iyang mga ganyan dapat na i-quarantine muna ang mga bibig. Hindi sila nakakatulong, nakakainis pa sila.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with