^

Pang Movies

AlDub fans nabuhayan ng kilig sa replay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
AlDub fans nabuhayan ng kilig sa replay

Nagdiwang ang AlDub Nation (ADN), ang fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang i-replay ng Eat Bulaga ang 2016 Lenten presentation ng show na nagtampok kina Alden at Maine, ang God Gave Me You, last Saturday, April 18.

Nang kumalat na sa social media na ipinalalabas ang nasabing episode na kasama rin sina Ciara Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Michael de Mesa at introducing si Jake Ejercito, mabilis na nag-trending ito sa Twitter at sa Facebook page ng EB. Nagpasalamat ang ADN sa programa at request nila, sana raw ay i-replay din ang isa pang pinagtambalan nina Alden at Maine, ang special Valentine drama na Love Is. Ito kasi ang huling special na pinagtambalan nila, dahil ang mga sumunod na Lenten Special ng EB ay solo-solo episode na lamang ang ginawa nila.

Bianca may ibubuga rin sa kantahan

Pinatunayan ni Bianca Umali na maganda talaga ang boses niya nang i-release na ng GMA Music ang music video ng first single niya, titled Kahit Kailan na inabangan ng kanyang mga fans. 

Madamdamin ang lyrics ng song na tungkol sa isang babaeng sawi sa pag-ibig at feel na feel daw ni Bianca ang pagkanta. May nagtanong tuloy, kanino kaya pinatutungkol ni Bianca ang Kahit Kailan?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with