^

Pang Movies

King ni Lee Min Ho, ginastusan ng malaki

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
King ni Lee Min Ho, ginastusan ng malaki

Halatang hindi nanonood si direk Erik Matti ng Korean dramas kaya may rant siya sa Twitter tungkol dito. Or to be exact, hindi siya nanonood sa Netflix at wala siyang idea kung ano ba talaga ang mga ipinapalabas dito.

At hindi yata alam ni direk na iilan lang naman ang mga Tagalog movies and series sa Netflix and lately lang nga nailagay ang mga ito sa nasabing streaming site.

‘Yung iilan na ‘yun, eh mga luma pa na napanood na sa free TV. And he expects na malagay ito sa Top 10?

US and Korean movies/series talaga ang laging hit sa Netflix Philippines since from the start dahil ang sarili nating tele­serye eh napapanood naman sa free TV.

Noon pa, ang karamihan sa mga Pinoy at Kdrama addict ay sa internet nanonood ng mga Koreanovela, kahit noong wala pang Netflix simply because hindi nga ito napapanood sa free TV natin.

Ang daming reasons kung bakit nahihilig ang mga Pinoy sa KDramas at isa na nga rito ay fresh ang kanilang concept, magaganda ang production value at talagang ginagastusan.

Isang example na lang ang pilot episode ng bagong K-drama ni Lee Min Ho na The King Eternal Monarch na inere last Friday, April 17. First episode pa lang ay kitang-kita na kung gaano ito ginastusan.

Although meron din naman tayong teleserye na talagang magaganda at lalaban sa Korea pagdating sa quality at ginastusan din talaga, but the thing is, wala ito sa Netflix.

Para makasabay sa Kdrama, kailangan ding isabay natin sa Netflix ang mga ongoing teleserye natin. Ang mga Kdramas kasi ngayon ay napapanood agad sa Netflix 1 hour after na iere sa Korea. Hindi pa natin nagagawa ito sa mga local series natin dahil unang-una, may sarili na ring streaming sites ang ABS-CBN, ang iWant at dito napapanood ang mga umeereng teleserye kung hindi mo napanood sa local channel.

Anyway, as of yesterday ay may isang Pinoy movie na nasa Top 10, ang For the Broken Hearted at lima naman ang Kdrama - Hi Bye Mama, Itaewon Class, Crash Landing On You,, Fight For My Way and What’s Wrong with Secretary Kim. Ang iba pang nasa list ay Money Heist, Prison Break, Elite and Riverdale.

Payo namin kay direk Erik, panoorin muna niya ang nasabing 5 Kdramas para malaman niya kung bakit napasama ang mga ito sa top 10.

vuukle comment

ERIK MATTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with