^

Pang Movies

Jennylyn at Dennis, balik-tanaw sa Japan trip

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jennylyn at Dennis, balik-tanaw sa Japan trip

Habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila, nagbigay naman ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng panibagong kaaaliwan ng netizens sa kanilang latest Japan vlog.

Dahil restricted pa rin ang mga travels dahil sa banta ng COVID-19, nagbalik-tanaw naman sina Jennylyn at Dennis sa kanilang masayang Halloween party sa Japan last November. Sa vlog ni Jen mapapanood na sinubukan pala nilang hanapin ang best ramen sa Shibuya pati na rin ang masayang Halloween party na kanilang sinalihan. Imbes na gasgas na Halloween characters, nag-ala Walt at Jesse sina Jennylyn at Dennis na mga karakter mula sa kanilang favorite American series na Breaking Bad.

Dahil balot ng yellow hazmat suit at mask si Jennylyn tila kinilig naman ang mga nagpapa-picture sa kanyang babae na walang ideya na ang magandang aktres ang nasa ilalim ng costume.

Samantala, balik-telebisyon naman si Dennis sa pagbibidahan nitong GMA series na Legal Wives kasama sina Alice Dixson, Megan Young, at Bianca Umali.

Habang tigil muna sa taping ang Descendants of the Sun nila Jennylyn ay mapapanood pansamantala ang rerun ng Encantadia sa timeslot nito.

VIP ang trato kahit kanino...

Alam mo Salve, paborito kong bank ang isang branch ng Metrobank sa QC. Kasi mula guards hanggang mga emple­yado sa loob, very friendly sila at maasikaso ha.

At hindi lang sa mga VIP clients nila ha, kasi madalas ko naman utusan iyon driver ko o kaya si Mel. So nala­laman ko na kahit sino pare-pareho ang trato nila.

Tagal ko na rin depositor sa nasabing branch ng Metrobank, ilang palit na ng branch manager, pero never nabago iyon pagiging competent nila. Saka siyempre kahit bank dapat meron nadadala sa iyong suwerte, iyon bang darami talaga datung mo dahil inaalagaan nilang mabuti.

Parang nagtanim ka ng puno, ‘di ba, iyon lalago siya dahil maalaga iyon mga kamay na nagpapalaki sa kanya. Kaya tingnan mo si Gorgy, rich na, kasi Metrobank depositor din siya, bongga.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with