Anne napeke sa Tiktok! Direk Erik tinawag na Belo-fied ang mga korean actor
May fake account pala si Anne Curtis sa Tiktok. At marami na ring dollowers ha, almost 300k.
“Nope! Mine is the verified account,” paglilinaw ni Anne kahapon sa kanyang Twitter account.
Tuloy ang mommy duties ni Anne sa first baby nila ni Erwan Heussaff sa Australia.
At kahapon nga ay nagpa-check up sila at very Korean ang peg ni Anne ala-Yoon Seri (Son Ye-jin) ng Crash Landing On You.
Kilalang K drama addict si Anne.
Isa lang si Anne sa mga local celeb na nababaliw sa K-drama na parang hindi aware si Direk Erik Matti.
Sa tweet niya kasi kahapon ay sinabi nitong : “The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic.”
Naku hindi siya probably aware na maraming mga artista natin ang ginagastusan ang pagiging fan ng Korean actors and singers.
At sila pa mismo ang nagpo-promote nito sa kanilang mga social media account.
Wala pang pandemic, lagi na kayang trending ang K dramas sa mga streaming site?
Marami ngang pelikulang local na halos kopya na sa sa Korean dramas.
Kaya naman, binanatan ang direktor ng K drama fans sa Twitter kahapon.
- Latest