^

Pang Movies

Nancy ng Momoland, tinawag na nonsense ang PH ‘quarantine’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nancy ng Momoland, tinawag na nonsense ang PH �quarantine�

Ipagpaumanhin ninyo ha, dahil babae pa naman. Pero iyang Nancy McDonie ng Momoland, ang sarap batukan. Nang matanong siya tungkol sa kanyang project na gagawin sana kasama si James Reid, sinabi niyang hindi pa nga iyon natutuloy dahil sa nonsense quararantine” na ginagawa sa Pilipinas.

Aba ano bang utak mayroon ang Koreanang iyan. Hindi ba siya aware na milyon na ang mamamatay sa buong mundo dahil diyan sa COVID-19? Hindi ba niya alam na pinag-iingat lang ang lahat ng mga manggagawa sa industriya, kabilang na siya kahit dayuhan lang siya sa Pilipinas para hindi siya magkasakit at baka mamatay pa nga siya.

Dayo ka rito sa bansa namin. Nag-iingat kami para hindi na kumalat iyang salot na sakit na iyan, at tapos dahil hindi lang natuloy ang serye mo sasabihin mong ang ginagawa naming pag-iingat sa aming sarili ay nonsense?

Vivian Velez gusto nang ipatanggal ang ECQ

Hindi na naitago ng aktres na si Vivian Velez, na ngayon ay siya ring director-general ng Film Academy of the Philippines, ang kanyang pagkadismaya sa katigasan ng ulo ng marami sa atin. Kasi nga naman kung kailan nagpapatupad ng community quarantine dahil sa COVID-19, at saka naman parang hindi mo mapigilan sa paglabas ang mga tao. Parang wala silang pakialam ganung kabilang naman sila sa pinag-iingatan kaya nga may quarantine.

Ang sinabi nga ni Vivian, kung ganoon din lang, mabuti pa alisin na ang quarantine at matira na lang ang matibay. Tutal alam na nila ang problema, matigas ang ulo nila, bahala na sila. Isara na ang mga ospital para hindi pa nalalagay sa panganib ang mga frontliner. Hindi pa kailangang ayudahan ang mga matitigas ang ulo. Magtrabaho na lang sila.

Kasi nga naman inaayudahan mo, binibigyan mo na ng lahat ng pabor huwag lang lumabas ng bahay para hindi na mahawa, ayaw pang makinig.

Kung sabagay hindi naman papayagan ng gobyerno na gawin na lang ang ganoon, at pabayaan na lang ang mga mamamayan gaano man katigas ang kanilang ulo. Pero hindi mo naman masisisi ang mga taong nakukunsumi na kagaya ni Vivian sa nakikita niyang ginagawa ng iba.

Sex video ng social media influencer in demand sa mga na-lockdown

Iyan namang mga ginagawa ninyo habang may quarantine, ‘yang mga pampalipas oras ninyo, isipin ninyong mabuti. Iyong isang social media influencer hindi malaman ngayon ang gagawin niya dahil sa kumakalat niyang sex video. Kawawang babae. Hindi kasi inisip ang ginagawa.

vuukle comment

NANCY MCDONIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with