Heart mas priority ang likes sa heaven, walang paki sa bashers
Mabuti at hindi pa rin tumitigil si Heart Evangelista sa pagtulong kahit naba-bash siya. Pero, maganda ang sagot ni Heart sa nag-comment ng hindi niya kailangang i-post sa social media. Sabi pa ng netizen, “God sees everything you do. The public will appreciate it and God owes you a blessing in return.”
Sagot ni Heart: “You’ll find out in heaven not here dear not here.”
Sa isa pang kapareho ang comment at kinukuwestiyon ang pagtulong ni Heart sa Sorsogon, heto ang sagot niya. “Don’t worry my likes in heaven is my priority:) majority of what I do for God will NEVER be seen on social media. I post some that needs to be highlighted:) and donating to SORSOGON is something that I need to do because we need everyone’s help. We are so far away from everyone and we need to do our best to make Sorsoganons comfortable. So to tall my sponsors who have been donating and helping me. This post is for you.”
Magre-react na naman nito ang bashers ni Heart dahil sa latest post nito, ibinalitang may bagong face shields at washable face masks. Pinasalamatan nito ang donors na sila Atty. Dennis Gamaya at Shields for Heroes at Hazel and Raymond Hong.
Lovi hirap na sa LDR
Kumikilos din si Lovi Poe sa panahon ng ECQ para matulungan ang mga nangangailangan, hindi health workers o military at mga pulis ang tinutulungan ni Lovi, kung hindi mga street children.
Mga bata, lalo na sa Child Hope Philippines at ang kanilang pamilya at ibinalita nitong umabot na sa P1,216, 138.12 ang cash donation na kanilang nakalap at magkakasya naman siguro ito sa 500 street children.
“Your donation will be used to purchase their food and basic necessities, and will be distributed with the help of our Street Educators,” post ni Lovi.
Samantala, nami-miss na nina Lovi at BF na si Monty Blencowe ang isa’t isa at sa isang photo nilang dalawa, nilagyan ng caption na “When LDR hits you. Missing my bubba” na sinagot ng BF niya ng “Missing you too,” ayun, tinukso ang dalawa na maraming langgam sa kanilang paligid.
- Latest