Kesa umasa sa ayuda, AiAi nag-negosyo ng pandesal
Kinarir talaga ni AiAi delas Alas ang paggawa ng ube pandesal.
May instructions na si AiAi sa kanyang Instagram kung paano maka-order at ang prices nito.
Martina’s pastries ang tawag niya sa kanyang small business dahil sa enhanced community quarantine.
Katuwang ng Comedy Queen ang asawang si Gerald Sibayan na tagahiwa ng cheese at ang unica hija niyang si Sophia na tagaayos naman sa mga order.
Rason ni Ai sa paggawa ng pandesal, “Kesa nganga wala naman kaming ayuda hahaha..kaya gawa ng paraan para mabuhay sipag at tyaga lang go!”
Nag-aral ng culinary si AiAi kaya mayroon siyang background sa baking.
Bago ang ube pandesal, sinubukan munang gumawa ni AiAi ube cake with leche flan.
- Latest