Bela hinihingan ng mga nanay ng gatas!
Mula raw nang naipamahagi na ni Bela Padilla sa mga street children ang mga tulong na ipinangako niya, after makalikom siya ng amost P3M sa isang madaliang fund-raising campaign na kanyang initiated, maraming mga mahihirap na ina ang lumalapit daw ngayon kay Bela, asking na maambunan sila ng pambili ng diapers, kung hindi man lampin.
And, of course, powder and canned milk, para sa kanilang mga sanggol.
Will a group of organization lend Bela a helping hand, para mapagbigyan niya ang kahilingang ito ng mga ina?
Sen. Angara, Sen. Zubiri at Iza, handa nang mag-donate ng dugo
Senators Sonny Angara and Miguel Zubiri, together with Iza Calzado, all victims of the dreaded coronavirus, are willing to donate blood to help current infected patients of the disease.
Ito ay pagkatapos silang bigyan ng kanilang respective doctors ng go signal. Matagal ding nasa isolation ang tatlo matapos silang ma-confine sa ospital.
Although, all their doctors have diagnosed them free of the virus, it will take a few more days bago ma-confirm na up and about na sila.
John ingat na ingat kay Isabel
Afraid to the max daw si John Prats for wife, Isabel Oli, na kasalukuyang nagdadalangtao sa kanilang ikatlong baby.
As is common knowledge, prone to the COVID disease raw ang mga buntis, maliban sa mga senior citizen. Kaya, as much as possible daw, gusto ni John na nasa tabi siya ni Isabel at ng dalawa nilang maliliit pang anak.
Kaya, obvious na welcome ni John ang kautusang, kung wala rin lang importanteng gagawin sa labas, stay put na lang in the house.
Ten Commandments, 1956 pa napanood
Stay put in the house we have been, Salve A., since the imposition of the Enhanced Community Quarantine (ECQ) for Luzon, since four weeks ago.
Nonetheless, we preferred listening to the radio for news about the COVID-19. Until noong Holy Thursday, when we watched the movie, Ten Commandments on TV.
Year 1956 pala nang ipinalabas sa Pilipinas ang pelikula, which had in the lead roles, Charlton Heston, Anne Baxter and Yul Brynner. Director producer was Cecil de Mille.
To produce Ten Commandments, Salve A., the budget na pinakawalan ay 13 million U.S. dollars.
Yes, U.S. dollars.
- Latest