Alex trending pa rin sa fake news
Trending pa rin si Alex Gonzaga kahapon dahil sa issue ng fake news.
Maalalang the other day ay nag-tweet siya na sa supermarket nakuha ng mga bagong covid patients ang virus na mabilis kinontra ng PGH.
Pinaalalahanan din ng Philippine General Hospital ang netizens na sa mga legit organization lang maniwala at mag-fact check bago mag-tweet na madalas din ipalala ng DOH.
Sinabi nga ni Alex na kaibigan niya ang nag-advice sa kanya ng nasabing news.
Kasama sa special power bills ni Pres. Rodrigo Duterte na parurusahan ang pagkakalat ng fake and alarming information ng mula two months na kulong hanggang P1 million na multa.
Burado ang nasabing tweet ni Alex na may 2.4 million Twitter followers.
Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga nagtanggol sa kanya. “To all my netizens, thank you for all your tweets and showing me LOVE. I hope you’ll learn from this that one mistake should never define you. Nakakatuwa kayo!,” ang tweet niya.
- Latest