^

Pang Movies

Sen. Bong umapela kay Mayor Isko na ‘magtulungan kesa magpasikat’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Bong umapela kay Mayor Isko na �magtulungan kesa magpasikat�

Pumalag si Sen. Bong Revilla sa akusasyon ni Manila Mayor Isko Moreno na nawawala raw ang mga Senador ngayon at walang ginagawa para sa mamamayan sa panahon ng COVID-19 outbreak.

Nilahat ni Yorme (tawag kay Mayor Isko) ang 24 na Senador at makikita naman talaga sa video niya na galit na galit siya sa mga ito.

Sa live video na ipinost ni Sen. Bong sa kanyang Facebook account, ­aniya ay kaibigan niya si Yorme kaya masakit para sa kanya ang akusasyon.

Sana naman, huwag ganu’n. Masakit, dahil alam naman natin, Yorme, Isko, you’re a very good friend of mine. Si Kuya Germs (yumaong German Moreno), para tayong magkakapatid do’n, para tayong anak pare-pareho no’n, alam mo rin naman na lahat kami, nagtatrabaho.

Hindi kami nagpapabaya. May mga nasasakupan din kami. Meron akong Bacoor, merong Cavite. Hindi lang ‘yan, buong Pilipinas, kung kaya lang talaga matulungan, gagawin namin,” paliwanag ni Sen. Bong.

Dagdag pa ng aktor-politiko, kahit nga naka-quarantine siya, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagkilos para makatulong at ma-solve ang ibang problema ng bansa na in fairness ay napakarami naman talaga.

Kaya ‘yung banat sa amin ni Yorme, Mayor Isko, huwag naman, huwag ganu’n. Tulungan tayo. Hindi ito ang panahon ng pagbatikos, huwag mo kaming personalin,” mensahe ni Sen. Bong kay Yorme.

Ipinaliwanag din niya na si Yorme ay parte ng executive branch habang silang mga Senador ay part naman ng legislative branch.

Kayong sa ehekutibo, kayo mag-implement ng mga naipasa namin katulad ng Bayanihan Act. ‘Yung 275 billion, para sa mga kababayan natin, na ang mag-i-implement naman ay kayo, mga executive, sa pangu­nguna ng ating mahal na Pangulo,” he said.

Inamin niyang nakakasama talaga ng loob at nasaktan talaga raw silang lahat sa sinabi ni Yorme.

Nag-uusap nga kaming mga Senador du’n sa aming Viber group, nasaktan kaming lahat dahil unfair ‘yun para sa amin. Dahil nun’g pumasok pa kami dahil alam nating delikado. Ilan na nga ‘yung nagkasakit nitong CoVid-19 na ito, nitong coronavirus na ‘to na naapektuhan ang mga Senador, pero ganunpaman, tuloy pa rin ang trabaho namin,” sey pa ni Sen. Bong.

Pakiusap pa ng Senador, okay lang na i-bash sila pero ang mas kailangan ngayon ay matugunan nila ang pangangailan ng mga kababayan.

Hindi tayo dapat mag-upakan. Hindi tayo dapat magsiraan. Ang kailangan natin tugunan ay ‘yung gutom ng mga tao.

Kaya sa mga kasamahan ko, sama-sama po tayo,” mensahe pa ni Sen. Bong.

Idinagdag din ng aktor-politiko na huwag daw silang upakan dahil gusto lang magpasikat. “’Wag naman. Pare-pareho tayong nagsisilbi sa ating mga kababayan. Pare-pareho tayong nagmamahal sa ating mga kababayan. Kaya sana po tayo’y magsama-sama, magtulong-tulong. ‘Wag magsiraan, ‘wag mag-upakan,” pahayag pa ni Sen. Bong.

vuukle comment

BONG REVILLA

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with