^

Pang Movies

Take It... nina Lolit, Cristy at Mr. Fu hinihiritang mag-live na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Take It... nina Lolit, Cristy at Mr. Fu hinihiritang mag-live na!

Ateng Salve, ilang TV shows na rin ang nakakapag-live ngayon dahil sa mga video online apps, kaya maraming mga fan nina Manay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu ang nagtatanong kung wala ba kayong balak na mag-Take It Per Minute (Me Ganun) na napapanood sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Sana raw ay mag-live na uli kayo dahil puwede namang nasa kani-kanilang bahay naman ang tatlong hosts ng Pilipino Star Ngayon online show.

What do you think, Ateng Salve?

May ilang mga kaibigan na rin ako abroad ang nagtatanong kung kailan uli matutunghayan beauty nilang tatlo, huh!

Maganda siguro, Ateng Salve, kung join ka na rin sa kanilang tatlo at live ka naman sa bahay mo sa Project 8, huh!

Naku, dapat mapagbigyan n’yo ang mga fan ng Take It Per Minute, ‘noh?!

Anne nilantad na ang mukha ng anak

Ang bongga na ipinakita na ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account ang sideview ng mukha ng anak niyang si Dahlia Amélie na nag-one month na noong Thursday.

Tinanong ko si Raymond Gutierrez kung nakita na ba niya ang buong mukha ng anak ni Anne, pero hindi pa raw.

Not yet. I haven’t asked her naman,” sey ni Raymond.

‘Yun na!

Facebook hindi na naghihigpit sa ‘music’

Speaking of online show, naku, habang lockdown pa dahil sa Luzon-wide enhanced quarantine, i-enjoy n’yo na ang naglipanang online shows ng ilang celebrities.

Siyempre, nasa bahay lang naman sila, kaya enjoy silang gawin ‘yon.

Ang pinaka-generous” sa lahat ay ang Concert King na si Martin Nievera.

Aba, kadalasan, more than three hours ang online show niya at may pagkakataon pa na nagmo-more than four hours ‘yon kapag ginaganahan sila ng twin-sister niyang si Vicki Nievera.

Yes, madalas na nagdu -duet sina Martin at Vicki. Saka, ang bongga nga, like ‘yung kay Martin, sa Facebook siya at sing talaga siya palagi at napakarami niyang mga kinakanta (pati ni Vicki) at hindi ‘yon kina-cut ng Facebook, huh!

Noon kasing hindi naka-lockdown at wala pang COVID-19, may music lang na marinig, bigla ka na lang mapuputol!

Pero ngayon nga, pinalalampas lang ‘yon ng Facebook dahil siguro alam nila na ‘yon na lang muna ang libangan ng mga tao, kaya ayaw naman nilang magpaka-killjoy.

Right, Ateng Salve?!

vuukle comment

CRISTY FERMIN

LOLIT SOLIS

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with