^

Pang Movies

Marian pinatikim kanyang menudo ang mga frontiner

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Umani ng katakut-takot na papuri ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa dinner na ipinamahagi nila sa mga frontliners sa Quezon City General Hospital last Wednesday night.

Ipinost ni Dong sa kanyang Instagram account ang video ng pagluluto ni Marian ng menudo na ipamimigay nila sa frontliners. Yes, ang aktres mismo ang nagluto habang busy naman si Dong sa pagkuha ng video sa kanya.

Makikita rin sa video na si Marian din mismo ang nag-prepare ng mga disposable container na paglalagyan ng meal. Inihilera niya ang mga ito isa-isa sa isang long table.

Nang matapos ang pagluluro ay tumulong din si Dong sa pagpa-pack ng meal. Siya ang naglagay ng kanin sa mga meal boxes habang si Marian naman ang nagsandok ng ulam.

Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang— aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito,” ang bahagi ng caption ni Dingdong.

Sa comment section ay nagpasalamat ang ilang frontliners sa mag-asawa.

Salamat Team Dantes sa pagmamahal saming mga frontliners Godbless your pure hearts!” ang komento ng isang frontliner.

Pinuri ng netizens sina Dong and Yan at saludo sila sa kabutihang loob ng mag-asawa.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with