^

Pang Movies

Jason hindi makapaniwala sa ka-motor na doktor na na-Covid

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang lungkot at hindi makapaniwala ang aktor na si Jason Abalos dahil pumanaw ang kanyang kaibigan, kapitbahay at motorcycle-buddy na si Dr. Leandro Resurreccion III dahil sa COVID-19.

Sumakabilang-buhay ang 57-year old doctor noong March 31.

Head ito ng Pediatric Surgery Division ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at isa sa naging medical frontliner sa COVID-19.

Huling nakausap ni Jason si Dr. Leandro ay noong March 16 bago ito na-confine sa ospital dahil sa virus.

Nami-miss daw ni Jason ay ang pagiging masayahin ni Dr. Leandro at parati raw itong bubusina kapag mapapadaan na ito sa kanilang bahay.

Isa rin daw mabuting ama si Dr. Leandro dahil parati raw nagkukuwento ito tungkol sa mga anak niya.

Ito ang post ni Jason sa kanyang Instagram account:

“Si doc laging nakangiti kahit sobrang init minsan ng suot niya na jacket tapos pag nagtanggal ng helmet parang Tom cruise na ang buhok tapos nakngiti pa din. Lagi lang siya nakanigiti.

“Masaya siya na naka motor lagi papunta sa mga Hospital na pinapasukan nya kasi sabi nya nag eenjoy daw siya, tipid na sa gas, walang traffic hindi pa mahirap sa parking.

“Halos araw araw dadaan sa bahay ko si Doc bubusina, kabisado ko na nga tunog ng tambutso ng motor niya eh.parehas kaming ilokank kaya nag kasunod kami sa mga bilihin.

“Huling usapan namin nong march 16 nagtanong ako kung makaka avail ba mg testing kit, sumagot kaagad si Doc at nirefer ako sa isang tao (pero hindi ko na din tinuloy) tapos sabi niya balitaan ko daw siya kung paano proseso, hangang last week nabalitaan ko na na intubate na siya.

“Paalam at salamat kaibigan, hangang sa muli!” bahagi ng tribute ni Jason sa kanyang kapitbahay at kaibigan.

Juancho, Thea at Mikoy nagtayo ng relieve.ph

Imbes na gumawa ng TikTok videos at hindi maging productive sa kanilang mga tahanan, nagtayo ng isang non-profit organization para makatulong sa maraming biktima ng COVID-19 ang Kapuso stars na sina Juancho Trivino, Thea Tolentino at Mikoy Morales.

Tinawag nila itong RelievePH na ang main goal ay ang maghatid ng Personal Protective Equipment or PPE tulad ng gloves and masks sa mga ospital na nangangailangan nito.

Puwede ring makontak ang RelievePH sa sarili nitong Instagram account or Facebook page para sa mga magbibigay ng donasyon or PPE supplies.

vuukle comment

DR. LEANDRO RESURRECCION III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with