^

Pang Movies

Mga hayop apektado rin sa lockdown

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa sa naging problema ko sa lockdown ay ang pagkain ng doggies ko. Sarado lahat ng tindahan ng dog food, eh paubos na yung pellets nila at shampoo. Plus yung vitamins nila, wala sa Mercury Drug. Huhu, buti na langat  sinabi ni Dr. John (vet doc) na puwede namang i-delay ang pag inom ng vitamins hanggang one month.

Talagang naisip ko, hindi lang tao ang merong problema sa quarantine, pati mga pet natin kailangan ding isipin.

Yung Oscars ko sa aquarium pag hindi nakabili ng fish feeds inisip ko na i-sacrifice ko na. Pero yung isiping baka merong magkasakit ngayon sa aking doggies, talagang napa-praning ako.

Hay naku, dog angels, bantayan mo mga babies ko, iiwas mo sila sa sakit dahil baka mahirapan sila ngayon eh taga-Marikina ang vetmed nila na si Dr. John.

Please St. Francis, watch over my doggies.

Mga basher sobra na!

Ewan ko naman kung totoo ang kumalat na balita na ang ibinigay daw na ayuda ng mga Villar ay isang nilagang itlog at saging na saba. Kalokohan na ito lang ang tulong na ibibigay nina Senator Manny at Cynthia, plus congresswoman Camille Villar.

Maaari na namigay sila ng itlog at saging pero yung sabihing ito lang ang ibinigay nila, parang wala sa katinuan ang nagsabi nito.

Hindi sa ipinagtatanggol ko ang mga Villar, pero ‘di ba sana naman kung meron ipipintas sa isang tao ay yung believable naman? You think the Villar will have the heart to only give nilagang itlog at saging sa panahon ito? Kilala bilang mga pilantropo ang mga Villar, nagbibigay sila sa mga needy at madaling lapitan para sa charity.

Siguro nga sa ngayon, mas malaki pa ang tulong nila dahil nakita nila na talagang dapat tulungan ang mga tao. Puwedeng in one occasion bilang merienda naghanda sila ng itlog at saging, pero para yun ang tanging tulong na ibinigay nila, sobrang wild imagination naman ng accuser.

Hay naku, hindi talaga napahinto ni coronavirus ang bashers, hindi sa lungs pumasok, sa utak talaga. Isip isip naman para paniwalaan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with