^

Pang Movies

Princess Punzalan hindi pinag-iingay ang pagiging aktres sa States

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Princess Punzalan hindi pinag-iingay ang pagiging aktres sa States

Like her ex-husband and good friend Martin Nievera, nawiwili na rin sa pagpe-Facebook live si Pops Fernandez.

Noong Monday night nga, nagkatapat pa ang Facebook lives ng ex-couple.

Actually, sa gabi talaga si Martin at tuwing 2:00PM naman si Pops, pero noong Monday night, napilitan siyang mag-Facebook live ng gabi dahil sa guest niya si Princess Punzalan.

Sa Los Angeles, California kasi based ang BFF ni Pops na si Princess at kailangan daw 6:00AM doon ay mag-air” na sila habang hindi pa busy ang dating aktres sa pamilya nito. So, hindi sadya na nagkatapat kami ni Martin,” sey ni Pops nang makatsikahan ko kahapon bago siya nag-live.

Anyway, sa tsikahan nina Pops at Princess, nausisa ‘yung dapat ay sasali ang huli sa Binibining Pilipinas beauty pageant, pero last minute ay nag-backout ito.

Hindi raw kasi confident that time si Princess. Inamin niya na hindi raw siya siya magaling mag-English at nose bleed siya kapag question and answer portion na, kaya hindi na lang siya tumuloy pa. Sa sama raw ng loob ng fa­shion designer na gumawa ng gown niya ay nagpunta na lang daw ito sa Hong Kong.

Ang sabi naman ni Pops kay Princess, sana ay tumuloy pa rin siya at nag-ask na lang for a representative. Pero, thing of the past na nga ‘yon at hindi na maibabalik pa.

Ngayon, marami na ring acting projects sa Amerika si Princess, pero tahimik lang siya tungkol doon.

Sabi ni Pops, Quiet lang si Princess, but she has a lot of progress there as an actress!” Ay, ang bongga!

Miho, hindi nakapunta sa wake ng pinsan

Sad ang PBB alumna na si Miho Nishida. Namatay kasi ang cousin niyang si Pipo.

Eh, lockdown pa naman ngayon, gustuhin man ni Miho, hindi siya makakapunta sa burol ng cousin. Ilang beses ko nga palang nakakatsikahan si Miho dahil nasa condominium lang sila ng anak na si Aimi kasama ang kanyang nanay. At wala silang ginagawa kundi ang mag-TikTok.

Like Miho, magaling ding magsayaw ang anak. Madalas ding nagluluto si Miho dahil wala ngang ibang magawa habang naka-home quarantine sila at wala rin naman siyang makatsikahang special guy dahil boyfriend-less pa rin naman siya hanggang ngayon.

‘Yun na!

vuukle comment

PRINCESS PUNZALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with