^

Pang Movies

Pulitiko iniintrigang nag-chill habang lockdown!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naku, Ateng Salve, iniintriga naman ng isang taga-posh village nila ang isang politician na married sa isang artistang politician din. Sa chat group kasi ng mga taga-posh village na ‘yon, pinost ang picture ni politician habang nagba-bike sa lugar nila.

Sabi pa sa post, ang mga taga-posh village raw na ‘yon ay kailangan to do something about that, “Will you just ignore this?”

Sabi ko naman sa nagkuwento sa akin at nag-forward ng post na ‘yon, baka naman iniintriga lang si politician na married sa isang artistang politician din.

Bago ba ang picture na ‘yon ni politician habang nagba-bike sa posh village nila? Bakit may isang full shot din ng picture na ‘yon na may isa ring nagba-bike sa medyo malayo sa likuran ni politician?

Hindi kaya noon pa ang picture na ‘yon bago pa man ang lockdown dahil sa COVID-19?

Sabi ko nga sa source ko, “Wala namang kasiguraduhan na bago ‘yung picture na ‘yon at during the Luzon-wide enhanced quarantine!”

Sagot ng kausap ko, “Exactly! So, let’s give the politician the benefit of the doubt!”

Well, tama! Ang nakakaloka lang, may nag-comment daw sa chat group na ‘yon na baka inutusan ng kanyang asawang artistang politician ang politician na ‘yon para mag-grocery. Hmph! Ang mga ganitong post, kailangan ding i-validate muna bago patulan lalo na at sobrang higpit sa posh village na ‘yon at sinisita kahit ‘yung mga nagwo-walking ng kanilang mga aso, huh!

Right, Ateng Salve?!

Pops itinuloy ang ginagawa NA 20 years nakatambak

Ayaw gamitin ni Pops Fernandez ang salitang “BORED” sa pag-i-stay lang niya sa kanyang bahay dahil nga sa lockdown sa buong Luzon.

Marami naman daw puwedeng gawin sa bahay at kailangan naman daw talagang mag-stay at home lang para makatulong na huwag mag-spread ang COVID-19.

Dahil nag-o-organize siya ng stuff niya sa bahay, kahapon ay nahanap ni Pops ang lumang arts and crafts project niya.

Bale stitching ‘yon na sinimulan niya over 20 years na raw at hindi nga natapos. Sabi niya, “Sana matapos ko na ngayon! I can continue now. May magagawa na naman ako!” sabi pa ni Pops.

Sabi ko kay Pops, magpakuha naman siya habang nag-i-stitching siya ng nasabing project, pero hindi raw siya nakaayos.

 Anyway, sabi ko kay Pops, ilalabas ko na lang muna ang unfinished stit­ching project niya na maganda naman, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with