^

Pang Movies

Frontliners dapat bigyan ng red envelope ni Papa Digong!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Frontliners dapat bigyan ng red envelope ni Papa Digong!

Gustong-gusto ko iyon dialogue sa korea­novela na ‘we share the same time, but the worth of my time is different from yours.’ Mataray siya kung iisipin mo pero sa panahong ito, bagay na bagay.

Like tama iyon suggestion na naisip ng iba na pag nasa grocery o pharmacy o sa take out food counter dapat paunahin natin sa pila ang mga frontliner particular na ang mga health workers dahil mas mahalaga ang oras nila kaysa sa atin ngayon.

Oo ‘yung mga doktor at nurses kailangan paunahin natin sa pila dahil ang hinahabol nila iyon buhay ng marami. Oo nga’t lahat mahalaga ang oras pero sa ngayon mas mahalaga sila. Iyon mga oras nila ngayon more than the worth of gold. Pave your way for them, treat them as precious gems. Salute to all of them.

May napanood din akong interview sa ilang health workers na ostrasiced at iniiwasan ng iba dahil sa takot na baka may dala silang virus. Takot na baka sila makahawa parang gusto mong magalit. Lalo na iyon tungkol sa isang nurse na pinaaalis sa tinitirhan niya dahil daw takot iyon landlord niya na baka tuwing uuwi siya may tendency na maiuwi niya ang germs sa mga pasyente na ginagamot nila sa hospital.

Anger at frustrations ang mapi-feel mo.

How can they do that? Ito ang mga hero natin, mas may pakinabang tayo sa kanila , at mas kailangan natin sila.

Why discriminate them? Dapat pa nga mas lalo natin silang mahalin at alagaan.

Kaya ‘yung iba raw ayaw munang nilang isuot ang uniform nila dahil pag nakita na taga-hospital sila parang lumalayo iyon ibang tao.

Crazy fools ang gumagawa nito. Walang utak ang mga nagdi-discriminate sa mga health worker natin.

Iyon sacrifice nila, ang pagod.

Dapat nga tayuan sila ng monument after this pandemic, patunay na nagpapa-salamat tayo sa kanilang sakripisyo. Dapat din lahat ng mga personnel at staff ng clinics at hospitals, bigyan ng red envelope ni Papa Digong bilang thank you sa ginawa nilang trabaho. Kahit konting amount lang to make them feel na appreciated natin ang ginawa nila, please Papa Digong. Gawin mo ring big event pag wala na si coronavirus.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with