^

Pang Movies

Lani sa bahay na lang nagta-trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman pala missing in action si Lani Mercado kagaya ng naikuwento sa amin noong isang araw.

Nag-self quarantine na si Lani, dahil sa isang meeting daw ng mga mayor sa Cavite, lumabas nang malaunan na positive pala sa Covid-19 iyong isa sa kanila.

Wala naman daw symptoms si Lani, pero ang naalala niya iyong kanyang staff. Hindi niya alam kung naging carrier na ba siya at baka mahawahan pa niya ang staff niya na kumikilos sa city hall.

Work from home ang mayor ng Bacoor. Mas mabuti nga naman iyon kaysa sa maparalisa nang husto ang operasyon nila sa City hall lalo na sa ganitong mga pagkakataon.

Pero mula naman daw sa bahay ay parang nasa office pa rin siya, kasi lahat ng desisyon siya pa rin ang gumagawa.

Iyon daw mga telepono niya lagi namang nakabukas sa lahat. At iyong mga public hotlines nakukuha rin niya kaya may feedback siya kung ano na ang nangyayari sa labas.

Pati naman daw mga barangay nasusundan niya ang lahat ng kilos. Aware din si Mayor Lani na medyo mabagal ang relief operations, pero dahil iyon sa kakulangan ng tao nila. Ngayon pinabibilisan daw niya ang pagkilos, at dahil kulang nga sa tao, ang solusyon nila ay extended working hours.

ABS-CBN mas malaki na ang tsansang magka-franchise

Sa nangyayari ngayon, sinasabi nilang matapos man ang franchise ng ABS-CBN sa May 4 kagaya ng itinatakda ng batas, malaki ang pag-asang maipagpatuloy nila ang kanilang on the air broadcast, kasi nga nakita namang sa panahong ito ng kagipitan bukod sa nakakatulong sila para maalis ang pagkabagot ng mga taong hindi makalabas ng bahay, kumikilos naman sila para makatulong sa mga frontliner at sa mga biktima ng Covid-19.

Marami ang naniniwalang tatanawin namang utang na loob ng gobyerno ang kanilang ginagawang pagtulong sa ngayon.

Tama rin naman iyon dahil sa pagbabalik natin sa normal na pamumuhay, makakatulong din sila nang malaki para maikundisyon ang isipan ng mga tao na ang lahat ay normal na nga.

Malaking bagay iyon para sa mga mamamayan. Matapos ang mahaba-haba rin namang pagtitiis, malaking relief iyon makita nilang normal na ang lahat.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with