^

Pang Movies

Nathalie bagot na sa bahay, panay na lang ang luto

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, mabuti na rin naman na work from home ka dahil Luzon-wide enhanced quarantine.

Katakot din naman ang lumabas ng bahay dahil nga sa COVID-19.

Actually, kahit ang sexy actress na si Nathalie Hart, talagang sumusunod at hindi lumalabas sa bahay.

Kahapon, nang makatsikahan ko siya, sinabing bored na talaga sa bahay, pero ine-enjoy na lang daw niya dahil kasama nga niya ang  anak na si Penelope.

Ang ginagawa niya, luto na lang. “Tito Jun, bagot na bagot na po ako. Pero wala namang magagawa dahil talagang lockdown, kailangan, stay at home lang. Ang init pa naman ngayon, ni walang hangin,” sabi ni Nathalie.

Pero ‘yon nga, kailangan talagang mag-behave ng lahat para tuluyang mapuksa ang coronavirus na ito!

Sarah abala rin sa getfunding

Ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, sa bahay rin lang.

Nang kausap ko si Sarah, sinabing tuloy-tuloy pa rin ang home schooling ng panganay nilang anak na si Zion.

At kahit nga sa bahay lang, may homeworks pa rin daw si Zion na kailangang i-submit, huh!

Nang kausap ko nga siya, deadline raw ng homework ni Zion.

So, maganda rin naman ‘yon!

Actually, pati mga anak ni Ruffa Gutierrez, home schooling din at maaga ang simula ng “pasok”.

The last time nga na kausap si Ruffa, naikuwentong kailangan pang naka-uniform nina Lorin at Venice.

Ang bongga!

Anyway, going back to Sarah, kapag hindi siya busy sa mag-aama niyang sina Richard, Zion at Kai, ‘yung pag-aasikaso naman sa relief goods at hospital needs dahil sa fundraiser nila na https://gogetfunding.com/labansacovid/ang inaasikaso nila.

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with