^

Pang Movies

Frontliners kailangan ng additional benefits!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tuwang-tuwa ako sa panukalang  bigyan ng P100K hangga P1M ang mga health workers / frontliners na magkakasakit o mamatay.

More than anyone else, sila talaga ang sobra ang sakripisyo sa panahong ito.

At sana rin iyon mga kailangan ding magtrabaho gaya ng basurero, janitors, sales force at kahit mga militar at pulis ay ‘wag ding kalimutan. Lahat sila dapat ay ma-compensate sa ginawa nilang sacrifices.

Paano na lang pag meron nangyari sa kanila, paano na ang kanilang pamilya?

At hindi ba sila ang mas dapat tulungan dahil nagta-trabaho sila kahit may panganib.

Actually mas dapat silang bigyan kaysa dun sa mga naghihintay lang at walang ginagawa.

Iyon mga basurero na regular na kumukuha ng basura tuwing nakikita ko , proud na proud ako.

Heto ang mga tao na nagbabanat ng mga buto, hindi naghihintay lang ng tulong. They should be commended.

Salute to all of them, dahil sa kanila hindi ako nanghihinayang sa ibinabayad kong tax sa aking gobyerno. Thank you all.

Mag-flash ng toxins habang nasa quarantine

Naku dahil nga wala akong ginagawa lately, panay ang babad ko ng mga paa ko sa ProMag 300, hah hah.

Dahil ‘di ba sabi nga pinalalakas nito ang immune system at pina-flush out ang toxins sa katawan?

Saka may nabasa ako na talaga raw ang ganda ng sleep mo pag nagbabad ka ng paa sa mainit na tubig na may ProMag 300.

Kahit ano naman bagay dapat ginagamit mo ng meron kang paniwala dito para mas effective.

Kaya ko gusto ang ProMag 300 hindi ko ito iinumin at ipapasok sa katawan, ibabad mo lang ang paa mo sa mainit na tubig na merin nito walang danger na meron kang ininom na baka makasama sa iyong katawan lalo na sa atay.

At dahil senior na ako, mas maganda nga siguro na iyon toxins sa katawan ko lumabas at mapalakas ang immune system ko.

Sila Ricky Reyes at Ricky Lo ang katulad ni Raffy Tulfo ay hangang-hanga sa resulta ng ProMag 300 sa kanilang katawan.

Mabuti na lang at kilala ni Tet de Joya si Atty. Fred Villamor na siyang distributor nito kaya nagkaroon kami ng chance na magamit ang ‘wonder ‘ drug na ito. Imagine bumaba ang sugar ko, blood pressure at cholesterol mula ng gawin ko ang regular na pagbabad ng mga paa ko sa ProMag300 na  puwede rin daw palang gamitin ng pang gargle o mumog pag meron kang sore throat. Susubukin ko rin ito.

vuukle comment

FRONTLINERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with