^

Pang Movies

Effort ng mga artista, malaking tulong!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang effort ng mga star to help is really commendable.

Kahit sabihin pa na ginagamit nila yung star value for fundraising, at kahit pa nga sa pamamagitan lang ng shout out for help, okay na rin dahil mapi-feel mo ang compassion nila.

Scarlet is really a big help dahil nang manawagan siya ay talagang dumagsa ang mga nagbigay, at sa pamamagitan nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay naipapadala na ang mga tulong sa mga dapat bigyan.

Yung effort nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Bela Padilla, si Angel Locsin, at marami pang iba talagang ipinakita nila how they care. ‘Pag ganito ang mga pangyayari, kahit konting tulong ay malaki ang nagagawa. Yung tumawag ka lang sa friends mo para makahingi ng kahit konti, pag inipon mo iyon, malaki na ang lalabas.

Yung malalaking kumpanya na nagpakita ng compassion, ‘yun ang tangkilikin natin pagkatapos ng lahat ng ito dahil nagpakita sila ng love, ibalik din natin sa kanila yung love na yun.

Pay forward, share. By sharing we multiply, and continue to grow. Gawin natin itong motto.

Bukod sa mga artista, nakakatuwa rin na ang daming nananawagan para sa tulong sa mga kababayan nating affected at sa frontliners. Pero dapat ding tingnan nating mabuti yung mga nanghihingi ng tulong. Magbigay tayo sa legitimate, like sa GMA-7 at ABS-CBN, sa Caritas Manila, Red Cross, sa mga Catholic Church, sa mga organization na talagang alam nating maayos.

Alam natin na kung minsan merong mga taong nagsasamantala sa mga ganitong panahon.

 Ipagkatiwala natin ang ibibigay natin sa mga taong talagang ibibigay ito sa dapat bigyan.

‘Yun namang naghihintay ng tulong ay huwag mainip, huwag magalit, hintay lang dahil sa rami ay hindi rin agad magagawa na maiayos ang lahat.

Lahat naka-stand still, naka-quarantine, konti lang ang magagamit na labor force kaya huwag natin masyado i-pressure ang mga tao na ginagawa na ang lahat para makatulong.

Gawin natin itong shining moment ng lahat.

Huwag natin gawin platform ng mga komentong hindi dapat sa ganitong panahon.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with