^

Pang Movies

Pops naadik na sa K drama

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pops naadik na sa K drama

Nakailang beses na ring nag-Facebook Live si Martin Nievera at ‘yon ang pinagkakaabalahan niya ngayon habang nasa bahay lang dahil sa Luzon-wide enhanced quarantine.

Madalas na kantahan ni Martin ang mga nanonood sa ng FB Live niya, kaya ang biro ko sa kanya kahapon ay, “FB Live Concert King ka na rin!”

“I am? Not yet. Hahaha!” reaction ng Concert King.

Ayway, pinagbigyan nila ni Pops Fernandez ang mga nagre-request na sana ay mag-duet sila digitally kahit na nga magkalayo naman sila ng lugar dahil nasa Alabang siya at nasa Taguig City naman si Pops.

Pero with the technology now, nagawa nila.

 Ateng Salve, watch ka na kapag nag-FB Live si Martin habang nagwo-work from home para mawala ang boredom mo, lalo na ang napapasyalan mo lang ngayon ay ang iba’t ibang sulok ng bahay mo, ‘noh?!

Kanya-kanyang paraan lang ng pag-aaliw sa sarili ‘yan!

Hehehe!

Going back to Pops nga, sa bahay lang at hindi raw siya lumalabas.

Kasama niya ang bunsong anak na si Ram Nievera at isang niece, plus ang trusted assistant niyang si Ate Yolly.

Si Robin Nievera naman ay nakabalik na pala sa Los Angeles, California kung saan ito based na ngayon.

Nabi-busy naman daw siya dahil, “Finding things to do at home. Cleaning the house, organizing stuff. Staying productive!”

Mabuti na lang daw at may internet dahil nakakusap niya ang kanyang family.

Actually, like you and Manay Lolit Solis, busy rin si Pops sa kano­nood ng Korean series, huh!

“Hahaha. Natapos ko na ang Crash Landing On You at Something In The rain. May bago na akong crush!” sabi ni Pops.

So, sino?

“The guy from Something In The Rain. Siya na ang crush ko ngayon. Hahaha!” natatawang sabi ni Pops na parang naging teenager uli dahil sa kapapanood ng Korean series.

Hahaha!

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with