^

Pang Movies

Alessandra nanghihingi ng dasal para sa mga magulang na Italian

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alessandra nanghihingi ng dasal para sa mga magulang na Italian

Alalang-alala pa rin si Alessandra de Rossi sa mga magulang na nasa Italy ngayon. Sa Instagram post ni Alex kahapon, aniya ay napakahirap daw ng malayo sa magulang.

 “#prayforitaly hirap malayo sa pamilya. Nakakabaliw,” ang post ni Alex.

As we all know ay Italian ang father ni Alex na si Luigi ­Schiavane at Filipina naman ang kanyang inang si Nenita ­Schiavane. Matagal nang nakabase sa Italy ang mga ito.

Matatandaang noong isang araw pa worried ang aktres sa magulang na bumalik na raw sa Italy mula sa Canada. As we all know ay nangunguna ngayon ang Italya sa mga bansang tinamaan ng CoVid-19 pandemic.

“Father’s day pala sa Italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home. Please help me pray for italy and for @ermatsko who will be flying from canada pabalik ng italy very soon.

“Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras magpray with me! Much appreciated. may God bless us all!” ang post ni Alex last Friday.

Marami namang netizens na nagbigay ng lakas ng loob kay Alex at nag-alay din ng dasal para sa kaligtasan ng magulang at na-appreciate naman ito ng aktres na sumasagot ng pasasalamat.

Poser ni Ellen nilalandi ang kanyang guy friends

May poser pala si Ellen Adarna sa Facebook na more than five years na raw kaya naman nanawagan na ang dating sexy actress sa kanyang mga followers na ireport ito.

“Please help me report this fake account,” ang panawagan ni Ellen sa kanyang Instagram Story at nilagay ang link ng FB account ng kanyang poser.

“This person has been using my identity for more than 5 years now and has been messaging some of my friends and ramdom people,” patuloy ni Ellen.

Ang siste pa, itong fake Ellen na ito ay nilalandi raw ang kanyang mga guy friends kaya nagbigay siya ng warning sa hitad.

“Dear faker, I know you will deactive your “fake account” after seeing this post so people can’t report you and youre gonna come back after a week or two.

“And please stop flirting and send weird messages to my guy friends and ramdom men,” ang mensahe ni Ellen sa kanyang poser.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with