^

Pang Movies

Pinagkalat na namatay kapatid ni Ruby na-fake news ng mga katrabaho

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pinagkalat na namatay kapatid ni Ruby na-fake news ng mga katrabaho

Ang Facebook page ng Eat Bulaga co-host na si Ruby Rodriguez.

“I have been quiet all this time about Dr. Sally Gatchalian status. Yes she is my sister. Yes she is confined. Yes we all are praying and scared. But when Fake News spreads and people texting me Condolences. I Ask Please She is fighting! She is weak but stable. Please that is what she needs. Your Prayers Not people spreading this kind of news. It Hurts so much to know that news comes from Drs pa! Please we ask everyone Pray with us.”

Nakakairita’t nakakagalit talaga ‘yung makakatanggap ka ng mga text na nagko-condole sa ‘yo dahil may nagpakalat ng FAKE NEWS.

Ilang celebrity friends at followers naman ng TV host/comedian ang nagsabing pinagdarasal nila ang kanyang kapatid.

Let’s all pray para sa maagang paggaling ng sister ni Ruby!

Boyet papagaling na

Alam mo, Ateng Salve, kahapon ay ka-text ko si Sandy Andolong at kinumusta ko sa kanya ang mister niyang si Christopher de Leon.

Si Bro. Bo (paboritong tawag sa premyadong aktor) ay nag-post kama­kailan na nag-positive siya sa COVID-19.

Reply sa akin ni Sandy, “Coming home this coming week. Ok Wala namang nag-develop na symptoms. Sabi ng Pulmonologist mukhang rhinitis at allergy lang. They are waiting for his 2nd test result.”

Thank God, sana nga ay hindi talaga COVID-19 ang sakit ni Bro. Bo!

Tiyak na ikatutuwa rin ng kanyang co-stars sa Love Thy Woman kung sakaling wala talagang COVID-19 ang premyadong aktor.

Sana nga!

Let’s all pray!

Make up artist ni Boyet hindi totoong na-COVID

Kausap ko rin kahapon ang talent manager na si Therese Ramos.

 Si Therese ang manager ng isang reality TV show alumna.

Tinawagan daw ng isang friend ang kanyang talent para sabihing namatay raw ang make-up artist ni Christopher de Leon dahil sa COVID-19.

Pinaa-announce pa raw ‘yon sa kanyang talent, sabi ni Therese.

Sinabihan ni Therese ang kanyang talent na itse-check niya kung totoo ang balitang ‘yon at isang taga-ABS-CBN ang tinawagan ni Therese.

 “Not true raw! Fake news. Ni walang COVID-19 ‘yung make-up ar­tists!” kuwento ni Therese sa akin.
Nakakainis lang na problemado na nga ang lahat dahil sa COVID-19 ay nagpapakalat pa ng mga ganoong maling balita.

So, sa lahat, huwag basta-basta magse-share ng mga balita at baka fake news pa ang maipakalat n’yo at masisi pa kayo, ‘noh?!

Better na i-check muna ninyong mabuti at kapag na-verify na totoo, saka n’yo na i-share!

Mabuti na lang at hindi gullible ang talent na ‘yon ni Therese, huh!

Or else, nabiktima sana siya ng FAKE NEWS, ‘di ba, Ateng Salve?!

 ‘Yun na!

vuukle comment

RUBY RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with