^

Pang Movies

Tatay ni Sarah, nakabalik na sa Geneva

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Kahapon ay two years old na ang bunso nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si Kai.

Dahil sa Luzon-wide enhanced quarantine, natural lang na walang ganap sa birthday ng bata.

Nang magkatsikahan kami kahapon ni Sarah, ikinuwento niya na nag-bake naman ng cake ang nanay niyang si Esther Lahbati.

Ang maganda, magkakasama-sama sila sa bahay.

Umalis na nga lang ang tatay ni Sarah, si Abdel Lahbati at bumalik na sa Geneva, Switzerland.

Nang maka-text ko nga kahapon si Tito Abdel, sinabing kadarating lang niya sa Geneva at okay naman daw ang kanyang biyahe pauwi sa lugar nila.

Birthday ni Jeron nagawan ng paraan

Birthday rin kahapon ng PBA player na si Jeron Teng.

Kung noon ay palaging may family dinner sila sa favorite restaurant ng binata, ngayon, dahil na rin sa lumalalang problema ng COVID-19 at wala rin namang dine-in restaurants, sa bahay lang sila.

Sabi ni Jeron, masaya siya na magkakasama sila ng kanyang pamilya at pare-pareho silang healthy.

Ang wish ni Jeron, matapos na ang pandemic na ito dahil sa coronavirus!

Kahapon nga, nakagawa ng paraan ang kuya niyang si Jeric Teng, pati ang kanyang pamilya na makadiskarte ng birthday cake for him. Nakadalaw rin sa kanya ang girlfriend na si Jeanine Tsoi at nadalhan siya ng cake, kaya happy na si Jeron.

Dahil suspended ang PBA games, wala ring pratice ang Alaska Aces team, kaya sa bahay lang siya nagwo-workout.

Xian hindi rin nahawa ni Boyet

Napansin ng KimXi fans na basta good news kay Xian Lim ay mabilis sa pagre-retweet ang girlfriend niyang si Kim Chiu.

Nang mag-tweet ako na okay ang binata at mukhang hindi naman nahawa ng COVID-19 sa co-star nila sa Love Thy Woman na si Christopher de Leon, ni-retweet kaagad ‘yon ng tsinitang aktres.

Siyempre, obvious naman na kung nag-worry man si Kim para sa kanyang sarili dahil isa siya sa na-exposed kay Bro. Bo (tawag sa premyadong aktor), sobra rin siyang nag-worry for her boyfriend dahil marami ring mga eksena sa Woman na magkasama sina Xian at Bro. Bo noong last three taping days nila.

‘Yun na!

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with