^

Pang Movies

Raymond at Lovi tuloy ang workout kahit naka-lockdown!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Sina Raymond Gutierrez, Lovi Poe, Samantha Lopez at Jeron Teng.

Ilan lang sila sa mga celebrity na kahit nasa bahay lang dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine ay regular pa ring nag-e-exercise. Siguradong naniniwala sila na ang pag-e-exercise ay nakakatulong to boost our immune system.

Mas nagiging energize tayo at nakakatulong na makaiwas tayo sa sakit. So, dapat kahit nasa bahay lang, mag-exercise.

Maraming klaseng exercise na kahit wala kang fitness machine ay magagawa mo sa bahay.

Puwedeng i-check ang Instagram accounts ng mga celebrity na ito at tularan ang exercises na ginagawa nila para mas maging matatag ang ating immune system!

Si Raymond Gutierrez nga pala, bukod sa para ma-boost ang immune system niya, ayaw rin niyang tumaba uli dahil habang nasa bahay siya ay wala siyang masyadong nagagawa, so, nag-e-exercise siya.

Naaliw nga pala ako sa pinost niya sa IG story niya na ang pet dog niyang si Presley ay, “She’s weirded out why I’m home so much.”

Bago nga naman kasi ang community quarantine ay palaging nasa labas ng bahay si Raymond at kaliwa’t kanan ang meetings at event niya at palagi rin siyang nagdyi-gym. Ngayon kasi, simula pa noong Sunday, ay nasa bahay lang siya at lumabas lang sandali para mag-grocery.

Siyanga pala, going back to his pet dog Presley, parang anak talaga ang turing sa kanya ni Raymond! Noong nasa Los Angeles, California nga kami minsan, nakakita ng pet shop si Raymond at ipinamili niya ng kung ano-ano si Presley.

Ang bongga!

Snooky pagdarasal ang libangan

Sa bahay rin lang si Snooky Serna.

Sumusunod din siya sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Okay naman daw siya at ang kanyang mga anak.

“By God’s good grace, we’re ok,” sabi niya. At dahil kamakailan nga lang ay galing siya sa Porto, Portugal kung saan ay nag-attend siya sa Fantasporto Film Festival, sinabi niyang wala naman siyang problema.“Thank God that I’m ok!” sabi niya.

Nang makabalik siya ng Philippines ay hindi na siya nakabalik sa taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ng GMA-7 dahil ilang beses na pack-up ang taping nila. Hanggang sa stop production na nga muna ang lahat ngayon.

Sabi ni Snooky, nakaka-message niya ang ilang mga kasamahan niya sa show like Dina Bonnevie at Barbie Forteza at, “Thankfully I have been able to message some of them, like Dina and Barbie, and thank God, they are ok!”

Habang nasa bahay lang, “I watch, I read and I pray,” sabi ng aktres. Uplifting worship videos and movies daw ang pinapanood niya.

Sabi pa ni Snooky, “Stay safe my friend. All of us are concerned about the situation (COVID-19)!”

So, to all our readers, stay safe po! ‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with