^

Pang Movies

Mayor Goma naihanda na ang Ormoc sa COVID-19!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama ang pagkilos at pakiusap ni Mayor Richard Gomez sa mga taga-Ormoc. Ang sinasabi niya kung sino mang taga-Ormoc na inabot na ng lockdown sa ibang lugar dahil sa kanilang trabaho o negosyo, mas makabubuting manatili na lamang sila kung saan sila naroroon sa panahong ito ng national emergency.

Tama naman ang desisyong iyon ni Mayor Goma, dahil hanggang sa ngayon zero pa rin ang COVID-19 sa Ormoc at naroroon ang peligro na kung may makapasok sa kanilang carrier, magsisimula na ang hawahan.

Hangga’t wala pang carrier sa kanilang lungsod, ligtas sila dahil hindi na rin sila lumalabas sa kanilang teritoryo.

Sa ngayon, si Goma mismo ang nag-iikot sa kanilang mga barangay para masiguro na nasusunod ang lahat ng mga tagubilin ng DOH, at kung papaano mapag-iingatan ang kanilang sarili.

Ganoon pa man, sabi nga ni Mayor Goma, kung sakali man at may pumutok na kaso sa kanilang lungsod, handa naman ang Ormoc. Mayroon na raw silang ospital na may nakahandang isolation rooms, pero siyempre magiging problema rin kung sabay-sabay na dadami ang mga pasyente.

Kaya sa ngayon, ang sinasabi nga ni Mayor Goma, kailangan ang lubhang pag-iingat at hanggang maaari, ayaw niyang may tamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Nakahanda na rin daw naman sila sa relief operations kung sakali, dahil sa mga naranasan nilang magsunud-sunod ang lindol noon sa kanilang lugar.

Iyan ang Mayor.

Serye ni Dingdong ‘natalo’ finally ang katapat

Tuwang-tuwa sila sa kanilang announcement dahil for the first time, tinalo ng serye ni Dingdong Dantes ang kanyang kalabang serye sa primetime.

Nagpahinga kasi si Cardo Dalisay dahil sa enhanced community quarantine, at ang kalaban niya ay ang serye ni Zaijian Jaranilla na luma na.

Pero may nagtatanong nga, kung iyon daw kayang serye ni Zaijian ay bago, tatalunin kaya ni Dingdong?

Ang seryeng iyan ni Zaijian noon ang naging highest rating series on primetime. Tungkol iyan sa isang bata na “nakakausap ni Bro” matapos na siya ay ampunin ng mga pari.

Isipin naman ninyo, isang lumang serye na nagsimula noon pang 2009 at tumakbo ng isang taon, tatalunin mo ngayong 2020 o matapos ang isang dekada.

Nakakatuwa pa ba iyon?

May hitsurang singer / actor nakadispalko ng malaking datung

May isang singer at actor din naman noong araw ang nagtatago na raw ngayon dahil ang balita ay nakadispalko siya ng isang malaking halaga sa kanyang nasalihang multi-level marketing group.

Sayang na bata iyan dahil may hitsura naman talaga at mahusay din namang kumanta. Hindi nga lang sinuwerte noong araw.

Ngayon napag-uusapan siyang muli, kasi biglang naalala ng marami na may panahon noon na natsismis, na siya ay naging boyfriend ng isa ring actor na pa-playboy pa ang image ngayon.

Kung makita kaya siya ngayon, maaamin pa niya pagkatapos ng maraming taon na siya nga ay naging boytoy din ng pa-playboy niyang co-star sa isang show?

Magiging exciting na usapan iyan.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with