^

Pang Movies

Pokwang napamura sa galit sa bashers!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagmumura sa galit si Pokwang sa pamba-bash na naranasan matapos siyang tumulong at mag-donate ng mga pagkain.

Matatandaang noong Lunes ay nagpa-tuna sandwhich si Pokie sa mga pulis at sundalo na nasa checkpoint malapit sa kanila area. Last Wednesday naman ay nag-repack siya ng mga pagkain at bigas para sa mga taong apektado ng COVID-19.

Pero ang ending, siya pa ang na-bash at sinabihan siyang nagpapapansin kaya hindi nakapagpigil ang komedyana’t galit na sinagot ang mga bashers.

“Damned if you do, damned if you don’t, sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo nayan! Pumikit na lang kayo at manalangin! Yan nalang sana maitulong nyo sa bayan natin. POTAH KAYO!” ang nilalaman ng art card na pinost ni Pokie.

Sa caption ay umuusok pa rin ang tenga ni Pokwang at tinawag na “animal” ang mga bashers.

“READ THIS MGA ANIMAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS???? NGAYON PA TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!” ang caption ni Pokie na halatang imbyernang-imbyerna.

Nagpahayag naman ng kanilang suporta at pagmamahal kay Pokwang ang celebrities natin tulad nina Kris Aquino, ZsaZsa Padilla, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, K Brosas, Arlene Muhlach at marami pang iba.

“Hay pati ba naman yung pagtulong may ikakabash pa? Hugs mamang. Hayaan mo sila. Napakabuti ng puso mo,” komento ni Jessy.

KC ‘pinaglaruan’ si Piolo

Dahil nga naka-quarantine pati ang mga artista sa kani-kanilang mga bahay, ang social media ang kanilang pinagbubuntunan at panay ang post nila ngayon – ‘andiyang magbigay ng updates sa kani-kanilang fans kung ano ang mga ginagawa nila ngayon, nandiyang magpahayag ng kanilang opinyon sa COVID-19 at sa nangyayari sa bansa, nandiyang magbigay ng comic relief sa netizens and followers sa pamamagitan ng jokes, funny videos and memes at kung anik-anik pa na pwedeng ipost.

Tulad na lang ni KC Concepcion na nagpa-question and answer kahapon sa kanyang mga fans sa Instagram.

Isa sa natanong sa kanya ay kung sino ang boyfriend niya ngayon at sagot niya, “I’m single rn.”

May nagtanong din kung kumusta siya ngayon at ano ang kanyang ginagawa sa kabila ng sitwasyon ngayon at ipinakita niya ang screenshot ng call record ng pag-uusap ng kanilang amang si Gabby Concepcion.

Makikita sa record na tinawagan siya ni Gabby at 1 hour and 23 minutes silang magkausap.

Naaliw naman kami sa sagot ni KC sa tanong na ng isang netizen kung may chance ba na magkasama sila sa isang project ng ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual.

Nakakatuwa ang nilagay niyang picture ni Piolo na naka-topless and shorts at may hawak na itak. At sa tabi naman ay ang picture niya na nagdidilig ng halaman sa garden.

Sagot naman niya sa nagtanong, “I don’t know pero natawa talaga ako dito!!! Hahahahaaha.”

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with